Simula 1 to 3 months hindi ako makakain. Palagi kong sinusuka lahat. Kahit water isusuka ko din. Nung 4 months na tummy ko nakakain na ako pero hindi din ganon kadami, malakad pa ako at palaging na byahe kasi sa trabaho ko nga. 5 months tummy ko nag uuwian din ako palagi every weekend sa province namin( 5 hours byahe) para mag asikaso ng wedding namin ni hubby. Still sobrang liit pa din ng tummy ko kasi super tagtag ako at hindi kumakain ng madami. Palaging sinasabi ng OB ko kumain ako ng kumain. Pero kahit maliit si baby super likot naman at malakas sya. Pati heart beat nya ok naman. Until now 38 weeks and 7 days na ako maliit pa din daw si baby ko. Same pa din naman na malakas sya at malikot. Sabi ng OB ko mabilis ko lang daw maiilabas sa baby kasi maliit. Mas ok na daw yun kesa ma cs pa ako kung lumaki ng sobra si baby. Sadyang nasa lahi namin ang maliit mag buntis kasi hindi kami makain masyado. Ang ate at nanay ko kapag nanganganak mabilis lang kasi maliit ang baby. Wala din silang tahi kasi hindi na hiniwaan e. After a month saka lumalaki yung baby at tumataba. Mas ok daw magpalaki ng baby sa labas kesa sa loob.
Magbasa pa