25weeks

6mos na ako pero maliit pa rin tyan ko di naman issue sakin yun kasi tama naman daw timbang at size ng baby sabi ng ob ko. Maliit lang kasi kumain di ako matakaw kala tuloy ng byenan ko nagdadiet ako saka na daw pag kabuwanan ko na pero ganun lang talaga ako kumain e kaya lagi nila akong pinipilit kumain ? sabi ko naman tama naman size ng baby ko sabi nya baka malnourish baby ko pag lumabas magkain daw ako ng magkain. Bahala daw ako. Pero napakalakas naman ni Baby sakit sumipa. Ano po ba dapat kong gawin?

25weeks
16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Simula 1 to 3 months hindi ako makakain. Palagi kong sinusuka lahat. Kahit water isusuka ko din. Nung 4 months na tummy ko nakakain na ako pero hindi din ganon kadami, malakad pa ako at palaging na byahe kasi sa trabaho ko nga. 5 months tummy ko nag uuwian din ako palagi every weekend sa province namin( 5 hours byahe) para mag asikaso ng wedding namin ni hubby. Still sobrang liit pa din ng tummy ko kasi super tagtag ako at hindi kumakain ng madami. Palaging sinasabi ng OB ko kumain ako ng kumain. Pero kahit maliit si baby super likot naman at malakas sya. Pati heart beat nya ok naman. Until now 38 weeks and 7 days na ako maliit pa din daw si baby ko. Same pa din naman na malakas sya at malikot. Sabi ng OB ko mabilis ko lang daw maiilabas sa baby kasi maliit. Mas ok na daw yun kesa ma cs pa ako kung lumaki ng sobra si baby. Sadyang nasa lahi namin ang maliit mag buntis kasi hindi kami makain masyado. Ang ate at nanay ko kapag nanganganak mabilis lang kasi maliit ang baby. Wala din silang tahi kasi hindi na hiniwaan e. After a month saka lumalaki yung baby at tumataba. Mas ok daw magpalaki ng baby sa labas kesa sa loob.

Magbasa pa

Parang MIL ko gusto lumaklak ako ng rice dahil konti lang daw kinakain ko. Pinapa cut down nga ng OB ko ang rice intake ko kasi tumataas sugar koπŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ nagpapagutom daw ako di niya naman nakikita kumakain ako sa kwarto namin ng asawa koπŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ nung check-up ko sakto lang naman laki ng baby ko sa 15 weeks. Haayy. Eat healthy lang lagi.

Magbasa pa

26 weeks ako bukas, mas maliit pa tiyan ko diyan parang busog lang. Sabi nga ni OB mas maganda daw yun para di ako mahirapan ilabas si baby. As long as kumakain ka naman sa tamang oras at kompleto sa vitamins, okey na yun. Timbang ko bago ako nabuntis is 49, tapos ngayon 51 nalang hehe.

5y ago

Ako 3kilo na dagdag sa timbang ko πŸ˜… nakapag ultrasound kana po ba ilang grams baby niyo

Same tayo sis. Maliit lang din bump ko. Im currently 29 wks na. Pero sa utz okay naman size at timbang ni baby. Pero sinasabihan pa rin ako ng OB ko na kumain pa rin para medyo bumigat si baby kasi sumasakto lang timbang niya. Okay lang yan sis, matagal pa naman, kaya pa.

Mag 7 months na tummy q but its small pa rin. Pero as per my OB normal lang naman ang liit/laki nang tyan q..first time q kasing maliit tyan for this pregnancy.. For you, ask your ob if she will say its normal then wag ka na mabahal πŸ€—

Parehas tayo sis, 20weeks preggy na ko pero parang wala padin ung baby bump hehe. Dami pumapansin ng liit daw, pero nung nag pacheck up naman ako okay naman daw si baby tyaka tama naman ung size ni baby..

Hwag mo sila intindihin momsh. Ako nun maliit lang din mag buntis. Pero normal lang ang bigat at laki niya. Biglang laki na lang sya ng 7-9mos. Na ako.

Sis nakapag ultrasound ka na. Ganyan din tyan ko pero diagnoses ako placenta previa at low amniotic fluid. Sa tyan ko daw maliit pa sa 6mos.

Ganan din akl maliit ang baby bump ko pero nagkakakain naman ako ayos laang yan pure baby basta active sya gumalaw sa tyan mo

VIP Member

20 weeks ganiyan tiyan ko sa aking kambal ngayon 🀣 Basta okay si baby mo at okay ka, good na yun sis. πŸ™πŸ»