No weight Gain

6 weeks baby boy. Exclusive breastfeeding. Kakavaccine nya lang today at nalaman ko weight nya 3kg pa din same nung pinanganak sya. Sabado pa sched ng pedia pero sobra na worry ko. Naawa ko ang payat ng baby ko :( meron ba same sa baby ko?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

do you know how much milk you're producing? dapat may breast pump ka para nammeasure mo yung milk na kaya mo iproduce kasi dito mo malaman at ng doc mo if maunti pala gatas mo. may prescribed amount ng milk dapat naiinom baby mo based on his weight e. pwede macompute ng doc pero range lang naman yun, depende pa rin sa gutom ni baby siyempre. sa LO ko naka 3 check up kami within his first month. 5 weeks na currently lo ko bet ko rin sana exclusive bf kaso diba may jaundice sa umpisa e milk pinaka makakapagpagaling nun e pa mahina ang production ng milk ko as measured sa breast pump. kaya nagsupplement ako s26 (1oz lang) kada after breastmilk. total of 1kg weight tapos mahaba rin anak ko, 5cm hinaba niya pagka 1 month yung ihi output naman niya, madami? baka umiihi nga pero ang unti naman. may tracker dito sa app. ginagamit ko kaya alam ko kung ilan beses ako nagpapalit ng diapers. in short mamsh, mejo weird na in a month walang naging weight gain. baka naman within that month nagffluctuate weight niya. siguro need niyo yung mas mausisang pedia, yung talagang nagmomonitor ng progress. or kayo mismo dapat strikto sa monitoring ng anak niyo. make use of the tracker here. may useful tips din siya

Magbasa pa
3y ago

Ginagamit ko po mamsh ung tracker. 3-4x a day poop nya. Sa pump naman nagtry ako kaso ang onti ng lumalabas. Upon research di rin po un ang basehan kung onti o madami ung nalalabas mong milk kasi iba pa din ang direct latch at pumping. Pahaba ang laki ni baby mi. Pero ayun po babalik kami sa pedia tanong lang ako dito baka may same lang tulad kay baby. Thank you mi 😊