anterior placenta

6 months preggy here. Anterior ang placenta ko sabi ng ob ko (meaning yung placenta ko in front of my uterus not at the back). Alam ko normal lang din sya pero di ko maiwasan mag worried kasi hindi ko masyado ramdam yung galaw ni baby parang mga pintig lang. Ganun ba talaga yun? Pls share your experience sa pagiging anterior placenta. First baby ko kasi hindi naman ganun, ramdam ko sya agad ng 6 months. Thank you sa mga sasagot ❤️

anterior placenta
62 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, ako rin po anterior placenta. Mag-8 months na po kami next week. Mga 5 months ko na po consistently naramdaman ang movements ni baby. Dahil first child ko ito at praning ako talaga, not to mention panahon pa ng pandemic, ang ginawa ko po ay bumili ako ng home fetal doppler para anytime ma-check ko 'yung heartbeat ni baby. Mura lang sila nasa 800 php pataas yata sa Shopee, reliable na klase na 'yun (I got mine secondhand from a friend). Nagpa-pelvic ultrasound or Congenital Anomaly Scan (CAS) na kayo, mommy? Baka lang po mapanatag ka kahit papano kapag nakita mo si baby na malikot sa belly mo kahit 'di mo masyadong ramdam. 😊 Sana makatulong.

Magbasa pa