1 Replies

If meron ka mamshie na makakausap dyan personally na sa tingin mo ay hindi la i-ja-judge. Try to talk to them para mabawasan rin ang stress at depression na nararadaman mo. Walang cure sa depression, we just need to accept na nagdadaan talaga tayo sa ganitong phase and we need to voice out what we feel para malaman ng nasa paligid natin na may pinagdadaanan tayo but please make sure na ang mga pagsasabihan mo ay mapagkakatiwalaan mo at matutulungan ka. If wala ka namang malalapitan na mapaglalabasan mo ng sama ng loob then please try to be strong. Mag share ka lang ng thoughts mo dito everyday, may magbasa man nyan o wala atleast nailabas mo ang saloobin mo. Be strong para sa anak mo, wag kang papatalo sa depression, think of the days and months na excited ka makita si baby mo habang nasa tyan mo pa lang sya, kung pano ka natutuwa nung marinig mo yung heartbeat nya at makita sya sa ultrasound. Magbasa at manuod ka din mamshie ng mga bagay na magpapasaya at makakagaan ng mood mo. I hope you're okay pati na din ang baby mo. Be strong and be positive mamshie, malalagpasan mo din ang lahat ng ito and it will be all worth it dahil may baby na nagmamahal sayo unconditionally.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles