Need help please
Mahal na mahal ko ang baby ko. 11 months sya. Pero kapag nagagalit ako pag nagliligalig sya at hindi ko sya mapatahan. Rinding rindi ako kapag umiiyak sya. Worst, nasasaktan ko sya. Kahit nung mas maliit sya, kapag naiinis ako sa walang kwenta kong asawa, sya ang napagbubuntunan ko ng galit. Dahil sa nasaktan ko sya, lalo syang iiyak, lalo ako nagagalit sa kanya. Pero pag bumabalik ako sa katinuan, sobra sobrang guilt ang nararamdaman ko. Awang awa ako sa anak ko. Sobrang guilt lalo na kapag sakin niya pa rin gustong sumama. Kapag ngumingiti sya sakin. Nadudurog ako habang naiisip ko na bakit nagagwa kong saktan ang isang inosenteng ito na walang ginawa kundi mahalin ako? Bakit ko nararamdaman to? Bakit ako pa? Hirap na hirap ako. Pakiramdam ko napakawala kong silbing ina. Pag nag oopen ako sa asawa ko, o magpapakita ng post about PPD, balewala lng sa kaniya. Wag ko raw isipin ng isipin. Kala niya puro pag iinarte lang to. Wala akong makausap na tingin ko makakaunawa sakin. Maski ina ko, sinabihan ako ng sira na raw ang ulo ko kung naiisip ko na magpakamatay. Baliw daw ako. Pag natitrigger na yung nararamdaman ko, kung ano ano pa palaging pinagsasasabi sakin ng asawa ko. Kahit kailan hindi nya ko inunawa. Ilang beses ko na naiisip magpakamatay kasi sawang sawa na ko. Hirap na hirap na ko. Pero ayoko mamatay. Ayoko iwan ang anak ko. Ayoko. Hirap na ko. Pagod na ko. Tulungan niyo ko. #1stimemom