Spotting or bleeding and bedrest
5 weeks preggy po ako sabi sa bagong result ng transv ko po. Pero po ang lakas po ng bleeding parang regla na po sya. Binigyan po ko ni doc ng pampakapit at bedrest pero di po maiwasan di kumilos kase mag isa lang po ako sa bhay. Paano po kaya magstop ang bleesding. Natatakot po ako 1st time mom po ako and 29 years old. At wala pa pong heartbeat si baby. Naiiyak na po ako pg naiisip ko na mawawala ang baby ko.
Ask for help ng family, relative or friend na pede mag assist muna sayo for the mean time while you are in bedrest. Kasi nabedrest din ako, and di talaga pedeng kikilos ka. Natayo lang ako if kakain at mag ccr. The rest, maghapon magdamag na akong nasa kama. Upo, higa. It really helps my spotting na di na maulit. Dont think negative din. Isa yan sa nagiging reason bakit di minsan nadedevelop ang hb ni baby. Need mo umiwas sa stress para di labanan ng immune system mo si baby. At para maging okay ang development ng baby mo. Kasi si baby po at that week is pwedeng iconsider ng katawan mo na foreign body dahil 50% lang nyan is sayo galing, 50% is galing kay hubby or partner. Yan ang sinabi ng OB ko sakin. Kaya habilin talaga noon sakin na bawal mastress. Also don't worry, masyado pang maaga para madetect ang hb ni baby at 5 weeks. 6-7 weeks ang reco talaga ng mga OB magpafirst tvs. Minsan 8 weeks pa po. Get well soon sayo.
Magbasa pa