May Pcos ako at meron Faint line sa pregnancy test (twice). Posible po ba na buntis po ako?

5 weeks palang po ito in case na buntis po ako. Nakaka apekto po ba ang pcos para mag faint line ang pregnancy test? Na diagnosed po ako na may Pcos last december 2021. Nag gamot po ako nung March 16-27 po yun. Kaso pinapantal ako sa pills na nireseta kaya tinigil ko po agad. Di na ako nakapag pa consult ulit sa doctor at nakapag pa reseta ng bagong gamot. Tapos April nagkaron pa ako ng mens dalawang beses ako nagkaron. Isang linggo ang pagitan pero yung pangalawa ng regla mahina lang sya na 4 days. Ngayong month of May wala pa ako regla kaya nag PT ako. Kasi nakakaramdam ako ng naduduwal ako. Tapos pagtibok banda sa may tiyan ko. Sana po may makasagot po. By the way for 2nd pregnancy ko na po ito. Nakunan lang po ako last year April 2021 4 months na po ni baby nun. 😢

May Pcos ako at meron Faint line sa pregnancy test (twice). Posible po ba na buntis po ako?
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi sis, i think positive yan kasi may faint line. Try mo ulitin after one or two weeks para mas maging malinaw yung line. ☺️ And magpatingin ka na din nun sa OB para maresetahan ka ng kelangan mong vitamins at gamot. Congrats in advance sis. Share ko lang, kami naman ng mister ko eh waiting pa din sa rainbow baby namin, last May 2021 naman ako nakunan.

Magbasa pa
3y ago

Thank you po. Sana nga po positive na. At maging healthy ang baby namin. ♥ Nakakalungkot parin kasi talaga maalala na nawalan ka ng anak😢😢 Sana this time ibigay na sya sa amin. Sana po kayo rin ipagkaloob narin po sa inyo ang inyong rainbow baby✨♥

Naranasan ko magpositive sa pt dahil sa cyst. mas better kung magpaultrasound ka para malaman kung talagang buntis ka o may malaking cyst sa loob mo tulad nung nangyari sakin dati na akala ko buntis ako. Naagapan lang agad nung nagpaultrasound ako at nakita na puro cyst laman nung matres ko.

3y ago

ah okay po sige po salamat