Ako lang ba walang mga symptoms ng pagbubuntis?

5 months kuna nalaman na buntis ako dahil wala akong naramdaman na kung ano. Hindi ko naranasan mahilo, masusuka at mag cravings. Nag hiking pa nga ako ei umaakyat ng matataas na bundok nun Tapos every afternoon lalakad ako nga halos 2 klm dahil kukuha ako ng mga pagkain sa rabbit at Nag bubuhat ako ng mabibigat na bagay. My naramdaman akong mejo pumipitik sa loob ng tiyan ko pero di ko pinansin. Di ko rin pinansin na di na ako neregla dahil minsan wala akong regla. Hangang sa sabi ng mama ko nag iba shape ng katawan ko di kase halata kase mataba ako. Dun na ako nag PT at nalaman na buntis ako Hangang ngaun 7 months pregnant na ako wala akong nararamdaman na mga symptoms. Only pimples lang sa katawan ang naranasan ko ngaun. Ako lang ba nakaranas nito? 😂😂 Bakit diko feel buntis ako 🤣🤣🤣🤣

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy ako mild symptoms lang yung sakin nuon kaya di ko pinansin kala ko lang pangit lang pakiramdam ko tsaka may pcos ako then one day yung dalawa ko kawork nag announce na buntis sila sabay hahah tapos nagkwentuhan sila sa mga naramdaman nila then dun ako napaisip na magtry ako pt then boom ayun positive and nung nagpacjeck up ako 4 months na hahaahhah

Magbasa pa

1st pregnancy po ganyan din..no signs po talaga..5mo. din po nalaman na preggy..nakapagrides pa ako noon bago nalaman..irregular po kasi menstruation kaya parang wala lang..healthy baby boy naman po sya nung lumabas.hehe..2nd pregnancy ko ngayon at andami syptoms nadagdagan pa ng diabetes..kaya nakabedrest at pampakapit...iba iba talaga magbuntis

Magbasa pa

Ako din sis,3 months na pla akong preggy ng magpacheck up ako..Wala kaseng symptoms,except sa delayed na dalaw,akala ko kse july nagkaroon ako,gang antay ko till last week ng aug..saka ko nag P.T..yun na pala. Pero yung mga pagsusuka,cravings,any sign ng pregnancy..wala ko nafeel.. hmm.tingi nio ba,mararamdaman ko pa yun till remaining months?

Magbasa pa

May mga ganyang babae po talaga.. Sa 2 anak ko po wala dn ako symptoms na naramdaman na nangyayari sa ibang preggy.. Walang morning sickness, vomiting, head ache or what and mas healthy ung baby pag ganon.. bsta eat healthy foods po

Same po tayo mommy. Ako naman 4mos ko na nalaman. Irregular din kasi ako e 😅 Nagfafasting pa ko non. Buti nlng okay naman si baby sa mga ultrasound. 35weeks na ko ngayon 😊 keep safe po sa lahat and Godbless po! ❤️

Sana all, mommy 😁 Bukod kang pinagpala hehe kaya enjoy niyo na lang po pregnancy journey niyo 😊 All the best po sa ating lahat at sa mga babies natin 🥰

ako nman lHat na ata na paglilihi dinanas ko na ko minsan nga pag natutulog nka upo nkng ako grabe subra yung hirap ko pag bubuntis ko

same din po sakin momsh.. nagtaka na po ko na mg 2months na hindi pa ko nireregla.. yun pla buntis na ko..

same sakin 5months no sign ,tapos nung nanganak aq no labor pain 😂😂😂 aun na eCs aq hahaha .. ..

Ako naman 4 mos nglihi hays ang hirap..grabe dinanas ko s pagllihi.