Sirang pagsasama

5 months ago mula ng manganak ako via normal delivery at may tahi ako. Masakit, sobrang masakit. Oo hanggang ngayon masakit pa rin lalo kapag may mangyayari samin ni moster naiiyak ako sa sakit pakiramdam ko mapupunit yung tahi ko and there are times na may kaunting dugo. Paulit-ulit ko pinapaliwang na ayoko muna dahil masakit pero para s kaniya nagdadahilan lang ako kesyo 5 months na daw nakalipas imposible na nasasaktan pa rin daw ako. Hanggang s apinagaawayan na namin sinasabihan niya na akong walang kwenta dahil lang sa diko mabigay yung gusto ng pagkalalaki niya. Kapag naman napagbigyan siya basta makaraos lang hindi na kagaya noon. Pakiramdam ko mga mommy parausan na lang ako. Sinabihan pa ako na wala na daw ako silbi kundi magpadede lang ng anak namin. Ang hirap ipaunawa yung kalagayan mo sa taong walang ibang iniisip kundi sarili lang niya. Sa totoo lang mommys' sinasaktan din niy ako gusto ko na humiwalay pagod na akong umasa na magbabago pa siya pero tinatakot niya ako ilalayo niya anak ko sakin. ??? Hirap na hirap na ako sa relasyon na to..??

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang advice ko sayo momsh, to pray first to God and ask for guidance. Then, sabihin mo sa asawa mo if pwede kayo mag usap ng heart to heart. Sabihin mo ang nararamdaman mo ng may mahinahong boses. If sarado parin ang isip ng asawa mo, umuwi ka nalang sa parents mo habang isa palang ang anak nyo. Mahirap sa umpisa pero isipin mo nalang, if kaya ng iba maging single mom makakaya mo rin. Mag hanap ka ng work, mag negosyo, mag manicure, kung ano ang kaya mong gawin or talent mo gawin mo para sa anak mo.

Magbasa pa
6y ago

Pareho tayo sis. Feeling ko rin parang parausan lang ako, pag gusto nya din lang aya magpapakita ng affection pero pag unayaw ako nababad trip sya sakin tapos hindi nys ako papansinin. 😞