Just venting my feelings πŸ˜”

Minsan, nasa kalagitnaan ako ng trabaho ko bilang teacher, bigla na lang akong naiiyak. Hindi dahil gusto ko ng atensyon, kundi dahil sobrang bigat ng pakiramdam. Araw-araw kong pinipilit maging okay, pero ang hirap pala tanggapin ang lahat lalo na kapag pakiramdam ko mag-isa lang ako. Wala akong masabihan, kahit sa pamilya at mga kaibigan ko, kasi pakiramdam ko hindi nila ako maiintindihan. Pero kahit ganito, umaasa pa rin akong makakabangon ako. Hindi dahil madali, kundi dahil pinili kong lumaban kahit pagod na pagod na ko at para rin sa buhay na dinadala ko ngayon, magpapakatatag ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I understand your situation mi, been seeing you posting in here. Andami nag aask if what happened and how can they help you, i hope you can open your doors for us para matulungan ka namin. Please know that you are not aloneπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

5mo ago

Salamat sa inyo, kasi sa kahit simpleng words, napapagaan ang dinadala ko. Grateful ako sa community na β€˜to. Hindi man ako makapagkwento nang buo ngayon, ang alam ko lang, gusto ko pa ring piliin maging matatag. Para sa anak ko. Para sa sarili ko. 🩡