Pa-check nyo po sa developmental pedia, meron libre sa National Children's Hospital, kaso matagal yung pila, anak ko may Autism, inabot kami 1yr bago ma-assess ng DevPed, but it's worth the wait. from there tuloy tuloy na mga therapy nya, and malaki improvement ng anak ko. maganda sama nyo po asawa nyo para aware din sya. Also while waiting sa schedule nyo, sali po kayo sa Autism ADHD GDD Philippines group sa FB, para makakuha po kayo ng madaming tips and insights from other parents with the same situation.
Mommy kausapin mo si hubs. Kase acceptance po talaga ang una dyan, tyagain niyo po, need po talaga mahabang pasensya sa ganyan.. maging calm po kayo parehas ni hubs. And wag niyo po saktan. Baka need nga po ng theraphy, pero mii kung ako mag search search ka lang po about sa condition ni lo, paano niyo ihandle. Sumali ka sa mga groups. Then watch kanpo sa youtube pano i handle. If nag gadgets po stop po ang gadget. More on play kayo sa labas.
ung anak ko 5 years old kinder sya ngaun nalaman ko lang may ADHD sya nung inindroll ko sya! pero di sya nananakit di sya nag wawala wala lang syang eye contact dati but now ok naman sya di lang buo ung word but nauutusan ko na sya bumili sa tindahan. para kasi samin normal lang lahat sa kanya
Ipaassess mo po sya sa developmental pedia, dun po kasi malalaman kung ADHD po ang anak niyo or ASD. May mga level level dn po yan, totoo po na maganda ipatherapy sya behavioral therapy para mawala po yung pananakit at pagsigaw nya. Pacheck up po kayo mii para mas maliwanagan ka.
Maingay at malikot sya sa klase. Pag may ginagawa sila di sya makafocus kung san san sya tumintingin. Ok lang sana sken malikot medyo maingay. Kaso nananakit sya. Yung ingay nya you ng nagagalit sa mga kakaklase kaya sya sumisigaw.
best po na i pa assessed nyo po sya sa development pedia .