Mga mi adhd po ba ang sakit ng bata,pag hyper, bigla nananakit, sumisigaw, ayaw ng maingay
4yrs old po anak ko. Day care, kaso sa twing papasok sya nakakapag paiyak sya, gusto nya sa klase yung atensyon ng teacher madalas sknya. Pag may hindi nagustuhan sa loob ng room sisigaw at galit na galit. At bigla sya mananakit. Kahit sabihan ko sinisigawan nya ko. Paghindi ko na makontrol yung feelings ko. Nakukurot ko sya. Kasi nahihiya ako sa mga nanay sya pinaka maingay sigaw ng sigaw na nagagalit. Sisigawan din nya ko pagnasasaktan ko sya nasasabihan. Sabi ng teacher sken pa therapy ko daw. Alam ko mahal yun, kaya madalas mag away kme ng asawa ko. Ihinto ko ndaw. Sabi ko sknya minsan sya magbantay para makita nya at sknya kasi takot. Mga mi kung ano ba nakikita ng bata sa paligid nya yun din natututunan nya? Madalas diko kontrol sarili ko lalo na pag andito daddy nya. Pero pag kami dalawa lang ok naman. Nakakadagdag din kasi sken yung stress ng ama nya. Para kong walang kasama sa bahay. Alam lang cellphone higa. Kailangan mabunganga pako at magalit para sumunod walang kusa. Madals umiiyak na lang ako. Ayoko man saktan anak ko. Nadadala ko sa emosyon ko. # advicemommy





