Finally, my little one is here ❤

41 weeks DOB: September 14, 2020 EDD via transv: Sept. 05 EDD via CAS: Sept. 11 EDD via BPS: Sept. 15 Emergency cs 2.5 kg hi everyone! super late na para magpost and kaka discharge lang kahapon sa hospital but still wanna post and share my experience with you guys. so yon, sept. 14 morning, pinapabalik kami ng hospital para magpacheck up lang sana kasi nga masyado na daw matanda si baby sa loob ko and wala pa ring sign ng labor. surprisingly, pagka bp sakin, biglang antaas ng bp ko. so need ko na daw iadmit agad. naparami kasi ang kain ng fried rice kaya ayan 😂😂 ayon, inadmit na ko. naka dalawang dextrose ako kasi nga daw highblood. tatlong ugat pa yung pumutok sa left side ng kamay ko kasi di daw nila mahanap ugat ko. sobrang sakit pero tiniis ko lahat. around mga 1pm, pagka i.e sakin, 2cm palang. around 4pm, nag improve. 3cm na daw. kaso stuck na don. minomonitor nila heartbeat ni baby kasi bumababa na and may chance talaga na macs ako. sobrang sakit nung nafifeel ko non kasi nakahiga lang ako habang namimilipit yung sakit ng puson ko. halos naiiyak iyak na ko sakit na kapag tuwing sasakit siya, napapaire ako. kaya kala ko may chance pa rin talaga na manormal kahit papano. 6pm, pinutok na nila panubigan ko. around 7:30pm ata, nag decide na sila na ics na lang ako kasi bumababa na nga heartbeat niya baby tsaka anong oras na 3cm pa rin ako. di na ko umasa. that time sabi ko okay lang na macs na ko. hindi dahil hindi ko kaya yung sakit, kasi baka may mangyari rin sa baby ko. and finally, tadaaah, 8:17pm, my little one is here. sobrang thankful ko pa rin kay lord kasi di niya ko pinabayaan especially yung anak ko. ang healthy healthy niya 😊 sa mga mommies out there, kaya niyo yaaaan! fighting!!! meet my keeshia aveline 😍❤ #worththepain

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles