Jhey Elle Octava profile icon
PlatinumPlatinum

Jhey Elle Octava, Philippines

VIP Member

About Jhey Elle Octava

Mommy of a cute Little pumpkin

My Orders
Posts(10)
Replies(109)
Articles(0)

MY LABOR EXPERIENCE

SHEKINAH RAFEILLA SEHRILL 3.5KG Via Normal Vaginal Delivery EDD:SEPTEMBER 1, 2020 DOB:SEPTEMBER 4,2020 Nakapag share na po ako dito na 30 mins lng po ako ng labor ..Totoo po yun. Share ko po experience ko Pagtungtong ng September 1 which supposed to be my Edd na pressure na po ako kasi edd ko na pero no signs of labor pa dn ako .Pero sabi naman ng mama ko ganyan daw usually mga panganay lumalagpas sa due date so okey lng. Lagi ko nalang kinakausap si baby ..kung kailan siya lalabas So Ff. Tayo .. September 4 pinagpatuloy ko lng routine ko 6:00 am naliligo na talaga ako 6:30 hanggang 8:00 am walking na ako nyan then pagbalik ko galing maglakad2 iinom ako ng gatas tsaka kakainin ..then parang normal na araw lang yun not until ..mga 11 am ..nag decide ako uminom ng. gatas instead na kumain ng pananghalian .After nun. Umupo ako then parang na fefeel ko sumasakit tyan ko pero binalewala ko yun kasi wala namang discharge pa na lumalabas sakin wala kahit ano .So nanood lang ako ng tv hanggang sa sumakit na talaga sya tapos panay na pasok ko sa cr kasi parang parati akong naiihi ..pero no discharge pa rn .. .Hindi ko dn pnaalam kay mama na sumasakit na tyan ko tambay ako sa kusina palakad lakad ako dun .. Hanggang sa di ko na ma take bandang 12:30 sabi ko kay mama masakit na tyan ko tapos sabi nya mag time 2 mins nlng interval nya ng sakit pero kaya ko pa naman pero wala parin discharge pinaligo na nila ako saka palang may lumabas na dugo habang naliligo ako ..Pagkatapos nun kumain pa talaga ako .then mga 1:30 nag decide na kami pumunta. Ng hospital di na talaga kaya yung sakit pero di ko rn pinapahalata sa kanila mga 2pm nakarating kami kinuha pa name ko tapos pinapunta pa ako for bp pero pinipigilan ko talaga kasi sobrang sakit na talaga nakahalata siguro tung mag b bp saken sabi nya punta nalang daw ako derertso sa Labor Room kasi baka mapa anak dw ako dun so pagdating ko sa labor room agad2 akong pinahiga tapos IE agad .. 9cm na pala. .hindi na ako tnurukan ng pangpahilab ..sinabihan na lng ako na umire kapag naramdan ko na sumsakit sya so yun nga 2:30 ako dun kapag sumasakit umiire lng ako sinynod ko yung sabi ng mama ko na kapag umire kailangan wag ibukas yung bibig para mapadali and take note 3 ire ko lang lumabas na si baby exactly 3:00 pm ng Sept.4 sabi ng mga midwife ang bilis lang daw nang pag lalabor ko usually dw kasi yung mga dumadating sa labor room pag Mag IE nasa 3-4cm pa dw ako. 9 cm agad.Kaya napa thank you Lord talaga ako paglabas ni baby kasi wala pa naman papa nya dito Malaysian Citizen kasi .and dahil sa Pandemic di natuloy flight nya pero Salamt talaga sa Panginoon at di nya kami pinabayaan Kaya sa mga Mommies na di pa nakakaraos Good Luck po sa inyo Wag ma pressure Lalabas at Lalabas din si Baby ..Masakit manganak pero worth it yung sakit pag nakita mo na yun anak mo 😍😍😍😊😊😊

Read more
MY LABOR EXPERIENCE
 profile icon
Write a reply