Induced labor experience?

40w nako sa Tuesday kaya sabi ni OB kung wala pa rin active labor, iinduce nako next week. Kamusta po induced labor ng mga naka experience? Gaano po kamahal ang fee? Totoong mas masakit po ba kaysa sa normal/natural labor?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Experienced that sa 1st baby ko, and to compare sa 2nd baby ko now na natural labor, masasabi kong ayoko na magpainduced 😂 sobrang sakit. within 24hrs nangyari lahat ng intense pain unlike sa natural labor, unti unti, dahan dahan bumubuka ang cervix mo and all pero sobrang bilis lang lumabas ni baby ko nung induced as in kasi biglaang sakit lahat from 1cm lang ng 3pm naging 6cm ng midnight then umaga 10cm na halos muntik na kong mapaanak ng wala pa sa delivery room kasi ang bilis talaga. siguro be ready, like i-condition mo lang ang utak at katawan na masakit talaga para pag nandun na, magugulat ka, di pala ganun kasakit. mind over matter. di ko kasi inexpect na ganun yung mafifeel ko pala since 1st baby ko nun yun. Godbless to you momsh kayang kaya mo yan. Worth it ang lahat ng hirao at sakit once narinig mo na si baby :)

Magbasa pa
2y ago

sobrang sakit mi. natural lahat ako nung first. pero ung 2nd, na induce ako. pinainom ako castor oil around 4pm. tapos nagtatae na ako. bandang 10:30pm, pumutok na water ko pero no signs of pain. 12midnight, kinabitan na ako dextrose at nilagyan na nila gamot yun na ata yung pang induce. start na ung pain ng 1am tas nailabas ko ng 5am. 4 hours of super sakit na labor. sabi nung nurse na nakabantay sa monitor, mas masakit daw talaga yung akin kasi wala na ako water plus induced pa. by the way, 1cm lang ako bago ako na induce