Induced labor experience?
40w nako sa Tuesday kaya sabi ni OB kung wala pa rin active labor, iinduce nako next week. Kamusta po induced labor ng mga naka experience? Gaano po kamahal ang fee? Totoong mas masakit po ba kaysa sa normal/natural labor?
Experienced that sa 1st baby ko, and to compare sa 2nd baby ko now na natural labor, masasabi kong ayoko na magpainduced 😂 sobrang sakit. within 24hrs nangyari lahat ng intense pain unlike sa natural labor, unti unti, dahan dahan bumubuka ang cervix mo and all pero sobrang bilis lang lumabas ni baby ko nung induced as in kasi biglaang sakit lahat from 1cm lang ng 3pm naging 6cm ng midnight then umaga 10cm na halos muntik na kong mapaanak ng wala pa sa delivery room kasi ang bilis talaga. siguro be ready, like i-condition mo lang ang utak at katawan na masakit talaga para pag nandun na, magugulat ka, di pala ganun kasakit. mind over matter. di ko kasi inexpect na ganun yung mafifeel ko pala since 1st baby ko nun yun. Godbless to you momsh kayang kaya mo yan. Worth it ang lahat ng hirao at sakit once narinig mo na si baby :)
Magbasa pasa 2nd baby ko induced labor sobrang sakit kesa sa natural labor. hindi na ko mapakali kung san ba ako pipwesto naiiyak na ako nun kasi pag natural na labor dahan dahan pa yung sakit nyan pero yung induced grabe parang isang bagsakang sakit yung nangyari pero no matter what makakaya natin mairaos lang natin na makalabas ng maayos ang baby natin. pray lang mii tutulungan ka ni Lord 🙏🙏🙏🙏 hindi nya kayo papabayaan. Godbless you mii 😊☺
Magbasa painduced labor here @39 weeks and 4 days, pumutok na kasi panubigan ko pero no sign of labor pa, bale mga around 4 or 5am ako na induced, 7am ako nanganak ang masasabi ko is masakit sya talagang iniire ko na baby ko nun pinipigilan lang nila ako kasi hinihintay pa yung midwife 😆 ayun tuloy paglabas ni baby medyo patulis yung ulo nya pero ngayon ok naman na. Btw 1st baby ko po
Magbasa paok lang naman. pampahilab sya pero para saken tolerable naman hanggang 7cm. mataas kase pain tolerance ko daw 😅 kaso pagdating ng 8cm gusto lumabas ni baby pero di makalabas dahil nahihila ng nakapalupot sa leeg nya na umbilical cord. so nauwi sa emergency cs 😅
Nakaschedule ako for induced labor ng 14, kaso 13 palang may lumabas na dugo sakin and meconium na daw sabi ng OB ko kaya naEmergency CS ako. by the way 40 weeks din po ako ng 14 no sign of labor. sabi nila mas masakit pa daw po yun sa totoong paglalabor
Hindi ko alam kung mataas pain tolerance ko o sadyan manhid ako ahahhaah! Nainduce labor ako sa 3rd baby ko. Wala akong naramdaman na sakit. Pero after ko manganak dun ko naramdaman lahat hahaha! Naninigas yung puson ko tapos para syang may bukol na ewan.
Aww sana all! 😆 nag epidural ka mamsh?
na induced ako 7pm pero umabas ang baby 12:48pm kinabukasan na yun tuloy tuloy ang sakit nakakanginig sa buong katawan..kaya ito ngayon sa 2nd baby ko pinagdadasal ko palagi na wag magaya nung 1st baby ko.
subrang sakit magpa induce kasi hindi humihinto tuloy tuloy yun hanggang sa mailabas mo ang bata ..sa akin nabayaran ko nun 5k.
Masakit po sobra momsh😢 Isipin nyo na lang po na masakit talaga par nakaset na po ang mind nyo na Ganon ang feeling 😌
sobrang sakit po ng induced...umiyak talaga ako sa sobrang sakit.. hopefully natural labor po ako now sa 2nd baby ko.
Momsy of 1 energetic prince