4 years na po kami ng lip ko at may 2 yrs old na LO. bihirang bihira po kaming mag away at mas lamang talaga yung araw araw kaming okay at masaya. pero once talaga na mag away kami medyo grabe din pero never nya naman akong nasaktan physically. masakit lang talaga mag bitaw ng salita pero naiintindihan ko kasi ganun din naman ako dala ng halo halong emosyon. lalo na ngayong nasa 2nd trimester na ako ng pag bubuntis, nakaka sama lang po kasi ng loob yung hindi man lang nya magawang magpatalo or magpakumbaba nalang lalo na kapag tumitindi na yung nagiging reaksyon ko at higit sa lahat na alam nya namang buntis ako. kapag kasi nag papaliwanag ako sa kanya at pakiramdam ko hindi nya ako naiintindihan hindi ko rin po mapigilan yung sarili ko na mag wala magbato ng mga gamit. tulad nitong nakaraang araw lang sobrang babaw ng pinagmulan. nasa kabilang bahay lang sya nakikipag inuman sa kuya nya na bumisita. e ako po kasi yung tipo ng tao na hindi mahilig maki harap o maki bonding sa family nya o kahit ibang tao miski mga kaibigan ko. as in sa lip ko lang po umiikot yung mundo ko. so kapag wala sya sa paligid ko especially pag wala naman syang work sobrang nalulungkot at nagagalit agad ako. at yun nga lang yung dahilan bat kami nag away nitong nakaraan to the point na nasugatan ko pa yung sarili ko kasi binasag ko yung salamin namin tulo talaga ng tulo yung dugo sa kamay ko at sya rin ang naglinis ng sugat ko hanggang sa magkabati kami. ewan ko po ba, pano ko kaya maiiwasan yung ganitong asal ko kasi natatakot ako baka mas malala pa yung magawa ko sa mga susunod.😔

2 Replies

mi it's a good thing na aware ka sa emotion and attitude mo kasi in that way mas madali ka magcchange. I was like that too before ako ma preggy, lets say na super clingy ko na to the point na magpapaalam lang sya to eat out with workmates di na maipinta mukha ko hanggang sa mag away na kami ng todo. Pero you know what i realize? Sometimes while we are waiting for our partners na magpakumbaba but in reality tayo din pala mismo ang dapat nauunang gumagawa nun.. Once i started lowering my pride and reflecting on my attitude at kung saan ba ko nang gagaling, dun ko nakita na it was bcos of my traumas pala on my past relationships kaya puno ako ng doubts, wala akong trust,super clingy, ginawa kong mundo ang partner ko which is a no no talaga. Eventually nakita ni hubby that i was changing and i saw how he was also changing parang what happened kasi is naging reflection namin ang isat isa so kung ano reaction nung isa ganun nadin yung reaction nung isa kaya nagcclash. We are now happily married and expecting our first baby. Grabe yung changes lang sa relationship namin, we don't shout at each other anymore, we don't get pissed off about small things i don't get jealous na he doesn't go out that much nadin. it's really on both of you how you will adjust and how much you want your relationship to work. I pray na maging okay kayo.

thankyou mi, hirap lang talaga yung pag nasa point na ng pag aaway minsan naman tinatry kong manahimik nalang para hindi na humaba e kaso kapag tahimik na ako tapos sya nakakapag salita parin ng mga bagay na alam kong dapat kong idefense yung sarili ko kaya yun hindi kami natatapos or mas lumalala pa tuloy😩

kalma ka lang mi baka dala lang ng pagbubuntis mo yong emotion mo..hindi ka lang maintindihan ni partner mo..subukan mo mag-usap kayo ni partner mo nag masinsinan..sabihin mo lahat sa kanya kung ano ang nararamdaman mo baka maintindihan ka rin niya..control ka rin po sa emotion mo at pagbuntis ka po

yes po nag uusap naman kami ng masinsinan kapag okay kami. naiintindihan nya naman na kaso lang talaga pag nasa point na ng away talaga di na makapag pigil mga bunganga namin. pero hindi naman kami nagkukulang sa communication po.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles