Falling out of love kay hubby

4 years na kaming married ni hubby. Dalawa na rin anak namin. Mag 11 yrs na kami in total na magkasama. I thought kilala ko na sya. Nung mag-bf/gf pa kami, okay naman sya. Masungit nga lang. But habang tumatagal ang panahon, lalo lumalala yung pagiging masungit at aburido nya. Nung bf/gf pa lang kami, never akong umiyak sa kanya. Ngayon, mag asawa na kami, dalawa or 3 beses na akong umiyak dahil paninigaw nya sa akin or minsan, sa pagiging sobrang sungit Yung last nga na umiyak ako eh yung nagtalo kami kasi sobrang worried ako sa bunso namin at gusto ko dalhin sa clinic kaso, gusto nya iasa sa father in law yung pagsama sa amin. May work din yung father in law ko, and umaga yung schedule ng pedia. Samantala, hapon pa work nya so kinuwestiyon ko bakit need nya iasa yung bagay na pwede naman sya. Nag away kami at nasigawan nya ako. Bagong panganak ako that time. Isa pang instance na napaiyak ako na di ko makakalimutan eh nung bagong panganak ako sa panganay namin via cs. Usapan namin, hati kami sa oras ng pag aalaga. May isang beses na napasobra tulog ako, nagising ako sa kanya nung pumasok sya ng kwarto padabog at sinigawan ako. For me, hello!! Kakapanganak ko lang at bumabawi pa ang katawan ko.. Di sya nananakit pero parang emotional torture naman ginagawa nya sa akin. Going back yung nasigawan nya ako last time sa bunso namin, nag start dun na parang ilag na ako sa kanya. May instance na nagsisipilyo ako, lumapit sya sa likod ko, pero, nagalit ako. Yung feeling na ayaw ko na hinahawakan na nya ako. Nangangalabit sya, pero tumatanggi na ako. Yung twice kasi na pumayag ako, parang wala na akong maramdaman sa kanya. Yung tipong inaantay ko na lang sya matapos tapos, nasasaktan na ako. I don't know what's happening, does it mean na I am falling out of love na sa kanya? Walang third party. Dahil siguro sa mga treatment nya sa akin kaya nawala na yung love? Di sya ganto nung unang nakilala ko. Kung totoo man na fall out of love na ako, patawarin sana ako ng mga anak ko pero, ayaw ko na turuan ulit ang sarili ko mahalin ulit yung tatay nila. Before, people were wondering bakit sya napili ko. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, pero may itsura l ako. Pero, hindi kagwapuhan si hubby. Lagi pa nga kami binibiro na, mukang matibay yung helmet na nilagay ni hubby sa ulo ko. May same experience ba ng katulad sa akin.. how did/do you handle the situation?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para po sa akin, staying in love is a choice and requires constant effort rin talaga. Hindi ko po maa-advise sa inyo whether to stay or not, kayo lang po makakasagot nyan kasi kayo talaga yung apektado. Pero tanong ko lang po: Have you two actually tried talking about your feelings and what's happening in your relationship? Hindi ko po sure if hindi nyo lang nabanggit sa post nyo or talagang hindi nyo pa po talaga nagagawang mag-usap. If it's the latter, pag-usapan nyo po muna nang maigi, mahinahon at masinsinan... or consider going to marriage counseling.

Magbasa pa
9mo ago

Great answer! I agree with this!

Pag usapan nyo po muna ung about sa inyo kung bakit parang ganyan kna sknya dahil nrn sa mga trato nya sau kya ka nagbago. Once mpag usapan nyo na at willing xa magbago para nrn sa mga anak mo malay mo ba2lik ung feelings at love mo sknya alang ala nrn sa mga anak mo kc mhirap ang broken family un ang isipin mo. Kung kayang mabalik ang love at respeto once npag usapan at willing xa magbago mas mgnda.

Magbasa pa