Breastfeeding
4 months na si baby pero may times pa din na parang every hour yung demand nya ng milk. medyo nakakapagod din lalo na direct latch, pero gusto ko talaga ituloy breastfeeding. kaso yung husband ko and mother in law, laging sabi ng sabi na iformula nalang. sabi pa ni MIL, baka di na nasasatisfy sa gatas ko kaya lagi gusto magdede. Di ko alam bakit nahuhurt ako. imbes na imotivate kasi ako, mas nakakabigat pa sa loob ko. tingin ko naman okay supply ko kasi 7.4kg si baby at 4months old. Any advice mga mi.