Pagpapainom ng tubig kay baby

4 and a half months na yung baby ko, laging sinasabi sakin ng lola ko at tita ko na pwede ko na daw painumin ng tubig si baby. Masyado na din daw late kasi dapat nung 3mos pa daw sana. So ako naman nagsearch online kung pwede na ba, at ang sabi 6mos pa dapat painumin si baby which is susundin ko naman sana. Ngayon naligo ako that time tapos si lola ko ang nag alaga kay baby, hindi ko alam pinainom na pala nila ng tubig, sinabi lang nila sakin noong binalikan ko na yung baby ko. Feeling ko natanggalan na naman ako ng karapatan bilang nanay sa anak ko. Noong una I felt secured kasi may experiences naman na sila kasi nanay din sila, kaso ako sana magdedesisyon. Ngayon nag aalala ako baka may epekto kay baby yung maagang pagpaainom sa kanya, sana naman wala. May nabasa pa ako na ang maagang pagpapainom kay baby can lead to water intoxication. Anong say nyo mi?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kasi sa kapanahunan nila alam nila Tama sila.. kasi saten nga walang ngyari lumaki naman tayo wala naging sakit.. Pero kasi modern na ngayon malamang madami ng studies na yan ang nagiging Sanhi ng sakit sa kidneys ng mga babies at water intoxication... kaya Tama lang na yung ngayon ang Sundin natin yung ngayon na 6mos above ang water intake actually may right ounce pa nga per meal . yun nalang ipaalam natin sa mga elders.. kasi kahit Mader ko Sabi sakin as early as 2mos ako nung baby ako pinapa sip na niya ko ng water after formula milk.. Sabi ko lang di na pwede Yun sa ngayon Buti madali kausap nanay ko di nakekelam sa trip ko sa mga junaks ko

Magbasa pa
3y ago

Sana nga po ganun kadaling sabihin sa kanila mi. painumin ko na daw kesyo naiinitan daw sya, di ko nga sila pinakinggan nun tapos pinainom na pala nila