Pagpapainom ng tubig kay baby

4 and a half months na yung baby ko, laging sinasabi sakin ng lola ko at tita ko na pwede ko na daw painumin ng tubig si baby. Masyado na din daw late kasi dapat nung 3mos pa daw sana. So ako naman nagsearch online kung pwede na ba, at ang sabi 6mos pa dapat painumin si baby which is susundin ko naman sana. Ngayon naligo ako that time tapos si lola ko ang nag alaga kay baby, hindi ko alam pinainom na pala nila ng tubig, sinabi lang nila sakin noong binalikan ko na yung baby ko. Feeling ko natanggalan na naman ako ng karapatan bilang nanay sa anak ko. Noong una I felt secured kasi may experiences naman na sila kasi nanay din sila, kaso ako sana magdedesisyon. Ngayon nag aalala ako baka may epekto kay baby yung maagang pagpaainom sa kanya, sana naman wala. May nabasa pa ako na ang maagang pagpapainom kay baby can lead to water intoxication. Anong say nyo mi?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang pag papainom ng water is dpat MERONG AVDISED NG PEDIA if 6months below. kasi sila mag sasabi if need ba or hnd ni baby ng water. Well, kanya kanya naman tayo dito ng opinion about sa pag aalaga sa anak natin. Pero ang nakakainis lang kapag meron ng nangyari masama sa anak nila dun palang dadalhin sa Pedia or checkup tpos kapag huli na sisihin pa doctor na hnd ginawa lahat para sa anak nila. Sa case ko, walang palag nanay ko or in laws ko dhil sinabi ko na sknila ako ang masusunod sa anak ko at hnd sila. Responsibility ko ang anak ko. Dahil kapag may nangyari masama sa anak ko AKO ang sisihin eh hnd naman sila. Lagi sa nanay ang sisi pag dating sa anak, kaya be careful sa kung anong ipapainom,kaen at gamot sa anak naten.

Magbasa pa
3y ago

Tama to. Hindi naman sila ang mapupuyat mag bantay ng anak sa gabe pag may sakit. Mahirap mag alaga ng bata, mas mahirap pag may sakit sila . Pwede naman sila mag guide saten pero wag na mag desisyon para sa anak naten.