Share ko lang po. Pasensya na wala lang masabihan ng sama ng loob

3yrs na kming nagsasama ng asawa ko. Nahuli ko na rin siya ilang beses na niloloko ako. Dumating na din sa point na sinaktan niya ko. Pero lahat yun pinalagpas ko alang alang na din sa mga anak namin tas mahal na mahal ko siya. Bukod pa dun hindi niya kayang iwanan yung mga kaibigan niya. Kaya niyang gawan ng paraan lahat isang aya lang sakanya mas okay pa sakanya na iwanan kami sa bahay kahit na nung bagong opera ako at bagong panganak nun iniwanan niya kami para lang sa inuman. Tinatanong ko siya kung bakit ganon kesyo nahihiya daw siya kaya pumupunta siya. Nung nakaraan nag away kami ng sobra at dun niya na inilabas lahat lahat ng sama ng loob niya sakin. Kung hindi lang dahil daw sa mama niya eh matagal niya na kong iwanan at dahil sakin hindi na siya nakapag aral dahil nung time na yun nabuntis ako at napilitan lang daw siya na magsama kami. Sabi niya pa naghahanap pa daw siya ng iba kasi hindi naman talaga ak yung gusto niya. Pinapakisamahan lang niya ko dahil lang din sa mga anak namin. at kahit konteng pagmamahal wala siyang nararamdaman para sakin. Kaya wag daw ako mag assume ng kung ano galing sakanya. Hayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niyang gawin kasi lahat ng gusto niya gagawin niya pa rin kahit ikagalit ko. Pinagbabawalan ko din siya sa pag inom inom kasi halos gabi gabi nalang nasa inuman. Di ko na alam kung ano gagawin ko kung magstay pa ba ko o hindi na. Kasi sobrang sakit na talaga! Pahinge naman po ng advice. Maraming salamat po.

160 Replies

VIP Member

Nako Momshie Yan mga taong ganyan dapat iniiwan MGA WALANG KWENTA sa mundo yan Iwan mo na yan wag na wag kang matakot mag isa kase nandyan family mo nandyan Si Lord na gagabay sayo at sa mga anak mo NAPAKA DAMING SINGLE MOM na masaya ngayon wag kang mag papaapi sa taong walang kwenta Be Smart and Strong para sa mga anak mo ipakita mo sa kanya na hindi sya kawalan Hindi dapat ginaganito mga babae Kaya Momshie Laban lang Go Go Go Godbless ingatan mo sarili mo at mga anak mo muaaaah

hanggang saan mo ba kayang e tolerate yung pananakit nya sayo momsh? physically, mentally, emotionally. Sa tingin mo, you deserve to be treated that way? It's obvious, your man is not growing, isip bata, irresponsible. Momsh, please don't forget that you are more than enough to be treated that way. if your reason to stay ay dahil sa anak, then you're basically wrong then. It's not healthy for a child to grow in chaos. Lalaki lang sya sa paniniwalang normal lang sa bahay ang gulo.

Iwan mo wag ka mag pakatanga, nobody deserves that kind of treatment .. dat nga iniwan mo na sia ng sinaktan kana nia physically eh last draw sa babae un .. we need to learn on how to give value to ourselves. Hindi pwedeng bigyan ko pa sia ng 2nd chance tapos mauulit lang din. Focus kana lang sa baby mo hindi siya kawalan at hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Mabubuhay kayo ng baby mo ng wala siya. Madaling sabihin pro mahirap gawin but that's what make us stronger

Hiwalayan mo na sya mommy. Tas live your life magtrabaho ka para sayo at sa sarili mo, bumawi ka gawin mong maganda ung sarili patunayan mo na ikaw di mo sya kelangan. Magset ka lang ng kasunduan para sa sustento ng mga anak mo, tas sya hayaan mo sya. Tas if makita n nya na nbuild mo ung sarili mo na wala sya magsisi yun. Hayaan mo sya yawah sya, kala nman nya nawalan sya nung nagkapamilya kayo. Edi sana di na nya dinagdagan anak nyo. Grrr

Pray lang momshie, hayaan mo muna sya wag ka magpakamarter , andun na yung sabi nya na napilitan syang pakasalan ka ng dahil sa mama nya , pakawalan mo nalang sya kaysa mag dusa ka habang buhay , andun na yung mahal mo sya pero nakakalungkot isipin kung sabihin nyang hindi ka mahal .. pag alang alang sa mga bata , May point dun na iiwan ka nya ,kaya yan ang lalasing lagi kasi andun yun pag sisi, hiwalayan mo nlng kaysa masaktan ka pa lalo.

wag na ipilit. you and the children deserves better. sa umpisa lang po yan mahirap. di kayo pababayaan ni God and strong tayong mga mommies. mas nagpapatibay sa atin ang mga challenges na ganyan. make your children as an inspiration not a reason. normal sa ating mga babae na kumapit hanggang kaya at natitiis pa pero in the end tayo pa din ang kawawa pati babies natin nag su-suffer. pa ulit-ulit na mangyayari yan ag masasaktan ka lang.

Bakit ba hinahayaan niyo yung mga lalaking ganyanin kayo 😭😭😭 BABAE TAYO. Hindi natin to deserve. Wag niyo na idahilan ang mga bata kasi obv hindi naman nila kinakabuti yung mga ganyang ama. Ineexpose niyo lang sila sa toxic environment. Aanhin ang presensya ng ama kung di naman nirerespeto ang nanay nila. TIGILAN NA PAGPAPAKAMARTYR. NANAY NA TAYO. UTAK ANG PAGANAHIN WAG PURO EMOSYON. Nakakafrustrate 😭😭😭

Wag na tayo magpaka-martir mamsh, Hindi na dapat tino-tolerate yung mga ganyan tao. Hays sya na mismo nagsabi ayaw ka nya, wag muna ipilit pa yung sarili mo mamsh. Alam kong mahirap at masakit, pero kung ipagpapatuloy mo parin ikaw lang po magsusuffer baka ang worst makalakihan pa ng anak nyo yung ganyan. Kaya mo yan mamsh, hindi lahat pwdeng ipaglaban lalo na kung alam mo sa sarili mong hindi na tama. Dasal lang mamsh 😊

better leave him, oo iniisip natin oara sa mga anak pero kung purk sakit nang loob at walang one sided love lang pala wala rin para na rin kayong hindi buong pamilya nyan, maiintindihan rin yan nang mga bata in due time, basta wag mo lang alisan nang karapatan yung tatay nang karapatan sa mga bata... Pasa Diyos mo na lang lahat nang nararanasan mo ngayon, malalagpasan mo rin yan... just be brave for your children... 😘

' mamsh. Kung ako ikaw kahit mhal mo sya tas gnyan snbi sau ,' iwan mo na yan dlhin mo mga anak nio, i ano kung my anak kau d nga nia mgwa responsiblidad nia inuuna nia pa yang mga kaibgan nia dpt pg my anak na , pmilya inuuna d kaibgan at pngalwa mamsh,' tyaka bkt mamsh kslanan mo bang mabuntis k nia sna una palang d kna nia ulet bununtis dpt isa lang anak nio ' kung d ka pala nia mhal kpal nia kakagivil aswa mo mamdh

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles