Tigil na ba

3months na si baby. Kung kelan nanganak ako, tsaka kami nagkaganito ng partner ko. Dati nung buntis pa ko, okay kami. Pero ngayon, lagi na lang kami nagaaway. Maliit na bagay pinagaawayan, sigawan, murahan, lahat na. Buhay binata kasi siya, ayaw niya lang aminin sa sarili niya. Ngayon magiisang linggo na kaming di naguusap. Binlock ko na rin siya sa fb kasi puro siya barkada at bisyo. Di man lang niya kamustahin anak niya. Di niya magawang bisitahin kami dito sa bahay (di kasi kami live in). Pero nagagawang makipaginuman gabi gabi. Di ko alam kung nagsasama na lang ba kami dahil sa baby namin. Sa social media kala mo napakabuting tatay pero in reality wala namang kwenta. Wala siyang trabaho, so wala siyang sustento. Di man lang mahiya sa balat niya. Tatay ko pa nagpapadala para sa baby ko. Tinatakot ko siya na di na niya makikita anak niya pero wala. Wala siyang pake. Naiiyak na lang ako kasi hindi ganto pinangarap ko para sa pamilya ko. :(

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hayaan nyo nlg po muna xa, baka di pa nya mpbyaan barkada nya, baka di pa xa nkpg adjust. focus ky baby muna. gnyn din hubby q nong first yr nmin, kung saan pumunta mga bintng pinsan nya sama rin xa, lately ntnggap na nya siguro na my aswa xa kaya di na xa umaalis kpg wala kong pirmiso. . . darting din ang point na mtauhn cla. kung pipilitin mo ksi lalong di oobra kaya buti pa na hayaan u nlg muna. . .

Magbasa pa