Tigil na ba

3months na si baby. Kung kelan nanganak ako, tsaka kami nagkaganito ng partner ko. Dati nung buntis pa ko, okay kami. Pero ngayon, lagi na lang kami nagaaway. Maliit na bagay pinagaawayan, sigawan, murahan, lahat na. Buhay binata kasi siya, ayaw niya lang aminin sa sarili niya. Ngayon magiisang linggo na kaming di naguusap. Binlock ko na rin siya sa fb kasi puro siya barkada at bisyo. Di man lang niya kamustahin anak niya. Di niya magawang bisitahin kami dito sa bahay (di kasi kami live in). Pero nagagawang makipaginuman gabi gabi. Di ko alam kung nagsasama na lang ba kami dahil sa baby namin. Sa social media kala mo napakabuting tatay pero in reality wala namang kwenta. Wala siyang trabaho, so wala siyang sustento. Di man lang mahiya sa balat niya. Tatay ko pa nagpapadala para sa baby ko. Tinatakot ko siya na di na niya makikita anak niya pero wala. Wala siyang pake. Naiiyak na lang ako kasi hindi ganto pinangarap ko para sa pamilya ko. :(

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pray ka lang sis..hayaan mo na muna siya focus on your baby..God will be with you and your baby..hindi pa naman kayo kasal eh ..sa ngayon pray lagi..

TapFluencer

Kapal ng mukha ng mokong.. Yaan mo na yan.. One day pag nakita nya anak nya na malaki na doon lang magsisisi yan.. Pilit babawi..

Mas marami pa ngang ngtatagumpay na single parents momsh kesa nmn makisama ka sa gnyang klase ng lalake..

Tigil na po...wala syang katangian na pwede mong mahalin or panghinayangan...walang ka kwenta2

Mommy, si baby ang priority sa ngayon kung ganun din ang tingin ni daddy magkakasundo kayo

Focus la nlang sa baby mo..kesa maistress kpa sa pinaggagawa ng mister .mo..

VIP Member

Focus on your baby momsh. Wag mo munang intindihin yang partner mo

hayaan mo na siya

Baby ang priority

Focus kay baby