Tigil na ba

3months na si baby. Kung kelan nanganak ako, tsaka kami nagkaganito ng partner ko. Dati nung buntis pa ko, okay kami. Pero ngayon, lagi na lang kami nagaaway. Maliit na bagay pinagaawayan, sigawan, murahan, lahat na. Buhay binata kasi siya, ayaw niya lang aminin sa sarili niya. Ngayon magiisang linggo na kaming di naguusap. Binlock ko na rin siya sa fb kasi puro siya barkada at bisyo. Di man lang niya kamustahin anak niya. Di niya magawang bisitahin kami dito sa bahay (di kasi kami live in). Pero nagagawang makipaginuman gabi gabi. Di ko alam kung nagsasama na lang ba kami dahil sa baby namin. Sa social media kala mo napakabuting tatay pero in reality wala namang kwenta. Wala siyang trabaho, so wala siyang sustento. Di man lang mahiya sa balat niya. Tatay ko pa nagpapadala para sa baby ko. Tinatakot ko siya na di na niya makikita anak niya pero wala. Wala siyang pake. Naiiyak na lang ako kasi hindi ganto pinangarap ko para sa pamilya ko. :(

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ganyan mister lang naman wag mo nang isipin yan najan naman magulang mo wag kana mag paka stress sakanya kung iresponsable sya. Kayo nalang mag bigay ng pag kukulang nya baka di pa ready maging ama at may binubuhay yang kupal nayan. Wala karin naman mapapala saknya kung walang trabaho yan sakit talaga sa ulo yung mga wala na ngang trabaho nakukuha pa mag bisyo🤦

Magbasa pa