18 Replies

Ako po nun 39weeks and 3days napo ako nun di pa po nakabuka yung akin nung in-IE ako tip palang yung open saka mataas pa si baby kaya niresetahan po ako ng eveprim para pampabuka ng cervix niresetahan po ako for 3days 2capsules every 8hours ang inom sa isang araw bale pang isang araw lang po binili 6pcs nung nakainom naman napo ako nung araw na yun medyo humihilab na ng bagya tyan ko hapon po ako nagsimula uminom tapos hanggang sa hatinggabi madaling araw di na ako pinatulog yung kinabukasan po na yun nanganak nako di ko na nga po nainom yung natira ko na 2capsules pang isang inom pa Pero pacheck up ka po muna sa ob para sila magbigay ng tamang reseta sayo kung sakali po resetahan ka advice lang po wag mo po bilhin yung pang kung ilang araw yung pang isang araw muna sayang kasi kung manganganak kana pala sayang yung di maiinom

Same tayo mommy nung pregnant pa ko. 39w2d din ako nung last na nagpacheck up ako. Closed cervix pa din and no signs or discharge man lang. Last monitor sa akin ni OB nakita sa ultrasound may white white daw sa panubigan. Di nya masabi exactly kung ano yun, baka daw dumi na ni baby. Dumaan pa ko sa test na ang tawag Biophysical Profile Score para malaman kung stress na si baby. Kahit okay naman yung result sa BPS, nagpanic pa din kami ng family ko, after 2 days nagdecide na ko pabiyak kahit gustong gusto ko talagang inormal. Mas inisip ko muna yung safety namin mag-ina. Nagpaschedule na ko sa talagang magpapaanak sa akin.

Okay naman po sya. Very healthy naman na nailabas. 20 days na sya ngayon. Inagapan ko lang talaga na mailabas na sya kasi mahirap na makipagsapalaran. May dalawa kasi kong kilala manganganak na lang at kabuwanan na, paglabas ni baby patay na pala. Yung isa wala na talagang heartbeat at di alam ng family yung cause. Yung isa naka popo na pala at nakain na ni baby. Kailangan talaga laging nakamonitor, minsan wag din kampante e. Natakot at nagpanic talaga ko right after magdeclare si OB na may nakikita sya sa monitor nya na mga white sa panubigan. Nagworry din si husband ko na nasa abroad kaya nagdecide na din sya magpa CS na ko. Safety namin ni baby mas importante.

yes po halos naka 27 pcs nq nang primrose kasi 3x a day po aq umiinom no sign & no dis charge din po aq sabi ni ob kaya di makapa yung ulo ni baby kasi close cervix & mataas pa daw kasi malaki si baby 7.12 pounds na sya may isang cordcoil pa sa neck nia kaya subrang worry na po aq from time to time check q kung gumagalaw pa sya peru kung titignan mababa na po yung tiyan q

Drink pineapple juice everyday effective siya sakin. Kausapin si baby, pray and patagtag ero wag sobra. Ftm ako 39w6d lumabas si baby ko ❤

pa check up ka na mamsh. 39w2d pumutok panubigan ko . na emergency cs ako dahil dyan closed cervix din kse ko no sign no discharge

37 weeks po ako. InIE ako sabi closed cervix ako pero inopen daw po ni OB ko ng 1 cm po at niresitahan nya n ako ng primrose oil po.

meron po tlgang nagrereseta na pinapasok. kaso in my case inom lng po reseta sakin e kaya wala po akong idea

Pareseta ka sis ke OB mo Eveprimrose.. wag mo po ipressure sarili mo sis at samahan mo ng prayer

maraming squats mommy. tapos kain fresh pinya. inom primrose oil tsaka zumba

Sabi kz ni doc papasok daw sa vagina

lakad ng momsh hehe ang plenty water pineapple po . 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles