mga mamsh share me your experience during your labor

39 weeks and 1 day na ako sa first baby ko ngayon. Kinakabahan ako mag labor malapit na kasi. Ano po mga experience nyo during your labor? So i could have an idea na rin po kung ano pwede ko rin maranasan ? THANKS.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nung ako kasi nun, 3cm na ko ng 8am. So pinaligo na ko ng OB ko and pina ready na lahat ng dadalhin sa hospital (btw, 1st baby ko to and 1week advance ako sa due ko). Sa bahay lang ako the whole day at binantayan nya ko hanggang ng 7cm. Pagdating sa hospital 8cm na ko. Hindi pa active labor ko nun kasi pabuka palang ung cervix at monitoring pa. May mga contractions kang mararamdaman pero bearable pa. Until ng 10cm. Nag active labor na ko. Humihilab na ng bongga ung tyan ko na parang napupupu ka. Hindi ako ininduce. Tinurukan lang ako ng pampahilab. Then ayun pagkaputok ng panubigan ko, after ilang minutes nailabas ko na si baby

Magbasa pa