Asking
38weeks and 5days na tyan ko pero close parin ang cervix ko nagpacheck up ako kanina sa OB ko, pag IE nya ahay.. Close pa din..may ibang paraan paba para madaling maopen ang cervix ko? Salamat..

Edd ko sept 25. At 39 weeks no sign pa rin ng labor. Being first time mom kabado na ko. Ayokong maoverdue dahil ayokong ma cs. So todo effort ako nag search ako online mga pwede kong gawin para mag open na yung cervix ko. Nag stock ako ng pine apple juice. iniinom ko sya 4 times a day. Kumain din ako spicy foods pero once lang kasi di ko kinaya. Nag suzumba at yoga din ako sa loob ng kwarto. And most important is prayer within 2 days nag karoon ako ng bloody show. Pag punta namin sa lying in 3 cm na agad ako. within 4 hours na labor successful kong nailabas ang baby boy ko ☺
Magbasa pa


