Di ko na ata kaya, malapit na EDC ko :(

37 wks & 5d ako sa LMP pero sa ultrasound ko 38wks & 5d na ako at dpat na daw ako manganak Sept. 12-13 sabi ni OB kasi 3.45kg na daw si baby. Possible pag di ako nagcontrol 4kg na, which is normal pero baka daw di ko kayanin. Kasalan ko rin nman kasi isang buwan 4-5kg ang tinaas ng timbang ko. So yun na nga baka daw mahirapan ako manganak at mauwi pa sa CS. Sobrang lungkot ko ng na IE ako khapon, sad to say close cervix pa pala ako, akala ko open na kasi mdalas pnanakit ng pempem ko tsaka tyan ko din. Niresetahan na ako ni OB nang primrose oil. Kahapon di na ako mkakain nang maayos, no rice na din. Ito sana gusto ko routine for 7days before balik ka ob para ma IE kasi dpat open na cervix ko. Uminom ako pineapple juice kahapon 2 glasses ata yun, balak ko din start kumain ng prutas na pinya araw2. Buong mghapon ako lakad ng lakad sa mall after check up. Kgabi nman uminom ako 1pc Primerose oil then 2pcs nilagay ko sa pempem for 2hrs na nkahiga, gagawin ko tu 3x a day. Ngayon nman 1hr lakad at plano ko 1hr sa hapon at 1hr gabi ako lakad. Balak ko rin mag 50count sa squat, nghahanap muna ako tamang squat ngaun sa utube tas e.aapply ko simula ngayon araw. Gusto ko umiyak kasi ang hirap pala mabuntis. Nakapanghina nang loob. Alam ko kasi ako sisisihin ng partner ko pati family nya pag na CS ako kasi sa kanila ako ngdedepend sa financial support ngaun na buntis ako. Akala ko nung una mabuntis lang tsaka manganak tapos na lahat. Yung process pala sobrang hirap. Simula sa pagcontrol sa pgkain, sa gawain, sa pag inom at iba pa. Baka may tips kayo jan na di ko alam pampabilis open ng cervix. Kailangan ko tlga support now mga mommy.😭Wala kami pera pang CS tlga... #firs1stimemom #strugglingmom #needsupport

24 Replies

Anytime soon manganganak ka na rin mii. Ramdan ko yung frustration mo na ayaw mo maCS. Lahat naman siguro ng mommy hanggat kaya, ayaw ma-cs pero kasi may reasons naman kaya nageend up yung iba sa ganun. Candidate din ako for cs last year sa bunso ko kaya ginawa ko lahat lahat ng bilin ng ob. 4th baby ko na kasi, normal delivery past pregnancies ko, so bale first time ko if ever kaya natakot din ako. Thankfully, naclear ko naman lahat ng problems ko at 36weeks. High risk ako kaya 37weeks na ako nagstart magpatagtag. 38 weeks nanganak na ako. Actually wala naman akong ininom kasi last checkup ko nung 36weeks then nung 37weeks na, not available si ob so next na naming pagkikita eh nung papaanakin niya na ako. Ang ginawa ko lang talaga mii, sumayaw ako ng bongga😂. Pagstart plng ng 37weeks sinasabayan ako ng 3rd child ko sumayaw like tiktok dance covers ginagaya lang namin. Tapos sinayaw ko ng bongga yung taki taki dance for pregnant, it worked. Hindi man madali panganganak ko pero pag-ie saken 4-5cm na ako. Eto yung link if ever gusto mong itry. Hope this helps mii. Goodluck and have a safe delivery💪 https://youtu.be/o2AtNJFDuaU

thank u again mi. ngstart na ako sa suggestion mo na zumba. Pag di ako nkkalakad dahil sa sobrang init sa labas, itong zumba inuulit ulit ko, tas pahinga tas ulit na nman. Tadtad tlga hehehe.

hi, na advice ko narin to sa isang momsh dito, katulad ng ginawa ko at advice saken ng midwife ko, kung wala masyado kakayanan gumastos, at ikaw ay may Philhealth, kuha ka certificate of indigency sa barangay nio then attached with 2 copies ng MDR and Philhealth ID, dalhin mo rin orig copy at ID then dalhin sa DSWD or MSWD sa munisipyo hingi ka ng endorsement letter sabihin na gagamitin mo sa panganganak, alam na nila yon, wala ka naman gagastusin sa endorsement letter nayon, tapos punta kang Philhealth pag tinanong ka ng guard (usually ganun naman) kamo mag aupdate ka status at ipakita mo endorsement letter mo. sana makatulong. normal, delivery or CS gagana yan wala ka ng babayaran depende kung may ipapabili sayo, kung sa private ka manganganak di ko sure kung magiging zero balance ka parin. pero sa Government hospital and Center ayos yan. God bless you and your baby, Hoping and Praying maging normal delivery ka at safe and sound mong mailabas si baby. kung CS naman wag mo na masyado isipin gastusin, stress lang yan sayo at kay baby, yung pera mababawi din yan kesa malagay ang buhay niong mag ina sa alanganin.

ramdam kita mommy na ayaw ma CS. nung nabuntis ako, kala ko din ganun lang. mindset ko tlga is normal delivery kaya saktuhan lang ako kumain. pag third trimester ko, nakita sa scan na mabagal growth nya. di sya masyado nakakakuha ng nutrients from me. lumalapot dugo ko. weekly ako nagpapa doppler velocimetry at utz, auto 6k un weekly dagdag mo pa ung additional vitamins pampalaki ni baby sa loob. at 37 wks, kala ko kahit papano open na cervix ko kase may mga nararamdaman na ko, un pala sarado pa. hindi maganda ung last scan ko kaya sinabihan nako na bibiyakin asap. decide on a date within that week. grabe din ung stress namin kasi ang mahal ma cs at alm kong masakit un. inisip nalang namin mailabas ng ayos si baby. kaya mi, wag ka masyado ma stress, kausapin mo si baby kung ma cs ka man, isipin mo nalang atleast safe kayo.

Baka supportive hubby mo mi? sakin kasi hindi. Pagmaypalpak lagi niya inuulit mga bagay bagay na di maganda na nagawa ko. Gusto ko tlga lumayo, wala kasi ako mpagkunan financially. Kaya stay strong nlng tlga sa self ginagawa ko ngayon.😞

dont stress yourself po responsibility po talaga kayo ng hubby mo mommy ako po no work din now at nagwoworry din ako if iccs ako kasi may asthma ako nakaasa din ako sa partner ko lahat ng gastos since nabuntis ako and supportive naman sya pagsinasabe ko nga na kakayanin ko normal sabe nya wag ko na ipilit pag di kaya para sa kaligtasan namin ni baby magpacs nalang daw ako.which is iniisip ko din na yung pera nya sapat lang sa normal delivery ko sabe nya gagawan nya paraan saka nagpublic na din kami kabuwanan ko na din po mommy asthmatic pa po ako ginagawa ko exercise nalang at pinagprapray ko nalang lahat ng worries ko kay lord🙏 magsearch po kayo ng mga exercise para maopen cervix nyo dont worry a lot para po sa baby nyo🙏 hoping and praying for normal and safe delivery po🙏

thank u ng marami mi. buti ka pa mi gnyan mindset ng partner mo. sakin kasi di pa tlga sya ready mgka anak pero ako yun nkalimot uminom ng pills. tska sinasabihan nya na ako early na wag kain ng kain. Di ko kasi kaya noon, ngtry ako mgdiet pero na sstress lng ako tsaka umiiyak kasi gutom po tlga. After checkup kahapon, sobrang down po tlga ako kya di na ako ngrice. Takot na din ako kumain except sa papaya, pinya, yung mga pgkain pang open ng cervix.😞

VIP Member

Una sa lahat mommy, isipin mong kaya niyo ni baby inormal. kausapin mo siya na ready kana na lumabas siya kaya sna ready nrn siya pra pareho kayo di mahirapan. Magdasal ka rin po. Kung may aaalalay sayong nkakatanda mkakatulong dn pagpapausok ng incenso kamangyan. tablea po papakin mo lang. Hinog hinog na pinya pati core kainin mo. Hinog na papaya. Squat ka po hangang sa lebel na kaya mo. Kung di ka po malaki, komportable manganak na nakasquat. patugtog ka rn ng mga music na gusto ni baby mo ung mggng active siya. pag active niya sbyan mo ng squat. More walk then magpakabusy ka. ako last yr, ako namimili ng lulutuin ako rn nagluluto. nilalakad ko lng. pati pacheckup lakad lng ako kasi isang brgy lng pero mdistansya dn

kamusta ka mamsh? nanganak kna ba?

kaya sa mga hnd malayo ang due date I suggest if hnd naman kayo high risk meron naman exercise para sa mga buntis lalo na ung pelvic exercise. Ako sa eldest ko tagtag ako ng byahe at kontrol ang food ko. Nung nag trimester ko na stop na vitamins at anmum ko as per OB kasi mas mabilis ang paglaki kapav nsa 3rd trimester na. then pagka 7months ko nung every morning squat ako tlaga. Nanganak ako 37W1D sa eldest. mommy wag ka mastress kasi lalabas ang baby kapag ready na sya as long as hnd naman cord coil at naka pwesto naman. I suggest na mag diet ka tlaga pra hnd ka na mag gain ng weight. Also, now pa lang ayusin mo na Philhealth mo or go to Public hospital pra kahit ma-CS ka is less or no bill ka na. Goodluck po

Ok po mi. Salamat po. CS kasi sa public hosp mi dpnde po daw sa availability ng OB sa public hospital, yan sabi ng ob ko. Kaya suggest nya sa private pero di namin talaga kaya financially. Philhealth lang meron ako. Wla pa ako SSS kasi graduating student ako sa college ngayon.😞

sa trece alam ko libre ma cs basta may philhealth kayo at sss , keep safe lang palagi mommy , at try nyo po ung uminom ng maraming tubig , basta inom ka lang ng inom ng tubig , para lagi kayo maihi at mas mapadali panganganak nyo .. may iba naman po baka hindi pa ready si baby lumabas sadyang nadagdagan lang po yung timbang nyo dahil marami narin siguro kayo kumain pero for sure siguro hindi naman si baby ang nadagdagan ng timbang ... mailalabas nyo po yan ng Normal , Pray lang po kayo ... at magugulat kana lang si baby na mismo kusang gustong lumabas . Oopen din po cervix nyo kapag ang baby nyo gustong gusto na lumabas .. Pray lang po kayo , and don't forget Water everyhours..

Thank u mommy. Sge po, inom ako mas more pa water. Pero umiinom tlga ako water palagi. Ipagdasal nyo po kami mga mommy na same sa situation ko. Sana makayanan namin.❤️

huwag ka po makonsensya kung partner mo ang gagastos para sa iyong panganganak momshie. responsibilidad niya 'yun. regarding sa gastos, prepare niyo po philhealth and sss niyo. magcheck ka din po sa mga lying in and public hospitals. may mga kakilala po ako nanganak at na-CS, halos wala silang binayaran. kaya mo 'yan momshie. pray lang tayo always. 37weeks na din ako sa ultrasound, sa LMP, nasa 39weeks, 'diba bongga? hahaha. kakakaba. pero gawin lang natin ang part natin, diet, exercise, magrelax, matulog, and let God handle the rest. lahat ng wala sa kontrol natin, kay God natin ipagkatiwala. malalagpasan natin ito. 😊 God bless you.

@akim akim - saan ka ka manganganak mi? ako kasi lying in para mkatipid. 6k lng daw with newborn screening na. ob mgppaanak skin. Same nga tayu mi. Ntatakot ako dala ng lahat ng pressure financially. Dpndent kasi ako sa fam ng lalaki kaya ang hirap tlga.😭

hi momsh, same tayo hehe actually nung kabuwanan ko din bilis ko nag gain ng weight. Like in a week lang 2kgs ang na gain ko. So si baby ko 4kgs paglabas. Wag ka mastress dahil ang pinaka importante eh ang safety nyo either CS or normal. Sa public wala ka babayaran kahit ma CS ka. Tho private ako, mismong nanay ko at asawa ko nagdecide na ipa CS na lang ako at baka daw mapahamak pa kami both kasi nga malaki si baby. Naglelabor na ako pero 1-2cm palang ako nun.

Saamin kasi mi yung mga public obgyne dpnde po daw kung available sila yan sabi ng ob ko. Ilang patient na dw na laging pumapalya sa public hosp dahil mgddpende dw sa availability ng ob kaya end up sa private sila na confine 😞

Same case tayo mommy . Nung last ultrasound ko 37 weeks 3.6 kilos na c bby . Na stress ako bka ma c.s ako nun august 31 nanganak ako normal delivery 3.3 kilos c bby kinaya ko nman pero mejo nhirapan ng konti sa pag ere . Wag mo stress srili mo yung ultrasound estimated weight png nman yun hbangdi kpa nag lalabor diet ka nlang iwas una sa matatamis at sa kanin.lakad2 ka lng at squat pray ka lang na dika ma cs at lgi mo kausapin bby mo .

Nanganak knaba mi’? Kmusta?

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles