36 weeks here. Jusko mga mamsh, di ko na alam ano pa dapat kong sabihin sa MIL ko. Araw araw na ginawa ng Diyos nilalakad ko yan since nalaman ko na buntis ako,wala pa jan ung lakad ko papunta sa bahay ng mama ko mula babaan ng tricycle tapos ang sinasabi pa sakin ng MIL ko maglakad lakad ako. Jusko po pag yan ngang 400m nilalakad ko 10 mins na nacoconsume ko may pagtigil pa kasi iinom ako tubig sa hingal dagdag pa sakit ng likod ko dahil ung bag ko na laging dala may 1L na tubig, payong at kung ano pa kailangan kong dalhin. Bukod pa jan ung nilalakad ko simula sa bahay ng mama ko papuntang bahay ng kaibigan ko. Paakyat pa daan sa bahay ng mama ko. Tapos halos araw araw akong bubungangaan ng MIL ko na Maglakad ka nd puro higa jusko po kung alam nya lang, tapos sa gabi maglalaba pa ng uniform ng LIP ko. Nakakatulog ako madalas 11 na kasi d ako makatulog ng maayos kasi d ako nakakahinga ng maayos tapos 3am magigising na ako para magluto, magplantsa at magasikaso ng gamit ng LIP ko. 5 or 6 am ako babalik ng tulog tapos gigisingin ako ng 9am ng MIL ko para ibungad ung salitang WAG KANG LAGING TULOG NG TULOG MAGLAKAD LAKAD KA. jusko po di ko alam san ako lulugar ??