Breastmilk/Formula

32 weeks preggy na ko. Oct 3 ang EDD. Gusto ko lang malaman kung ano ginawa ng ibang mommy. Gusto ko kasi pure breastfeed sana si baby pag labas nya. Ayoko sana gumamit ng formula. Kaso naisip ko, kagaya sa ibang mommy, ilang days pa bago lumabas yung gatas. Sa lying in kasi ako manganganak, wala naman ibang mga mommy dun para mag donate ng breastmilk. Kaya gusto ko lang malaman, kung bumili pa ba kayo ng formula, in case na ilang araw pa bago lumabas ang gatas, baka kasi gutumin ang baby. Please give me an advice naman po. Kailangan ko pa ba mag prepare ng formula? Or ipa-latch ko lang kay baby hanggang sa lumabas na ang gatas. Kaso pano kung abutin ng ilang days?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maamsh, magjoin ka po Sa mga lactation seminars or mag consult sa lactation expert as early as possible. yan ang pinagsisihan kong hindi gawin before manganak, kasi ang daming dapat malaman at matutunan regarding breastfeeding. buti na lang sa hospital kung saan ako nanganak ay may lactation officers/expert na nagrorounds sa room at tinuruan ako magbreastfeed hanggang matuto ako. bawal po kasi amg feeding bottle sa hospital kasi strict po sila sa breastfeeding. inverted ang nipple ko so nung una discouraged na ako at iyak ng iyak kasi akala ko wala ako milk at gusto na magformula milk, pero nicheer up nila ako na kaya ko magbreastfeed si baby effort, patience is the key ika nga nila. consult your ob po regarding sa breast feeding kasi may ibang momsh na hindi pwede mag breastfeed dahil sa existing medical condition.

Magbasa pa