Breastmilk/Formula

32 weeks preggy na ko. Oct 3 ang EDD. Gusto ko lang malaman kung ano ginawa ng ibang mommy. Gusto ko kasi pure breastfeed sana si baby pag labas nya. Ayoko sana gumamit ng formula. Kaso naisip ko, kagaya sa ibang mommy, ilang days pa bago lumabas yung gatas. Sa lying in kasi ako manganganak, wala naman ibang mga mommy dun para mag donate ng breastmilk. Kaya gusto ko lang malaman, kung bumili pa ba kayo ng formula, in case na ilang araw pa bago lumabas ang gatas, baka kasi gutumin ang baby. Please give me an advice naman po. Kailangan ko pa ba mag prepare ng formula? Or ipa-latch ko lang kay baby hanggang sa lumabas na ang gatas. Kaso pano kung abutin ng ilang days?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa 1st baby ko, mixed feeding, nagformula muna pero pinapalatch ko pa din siya hanggang sa maging normal na ung flow ng breastmilk ko dun na kami nagstop sa mixed feeding. Okay naman mag mixed feeding kung talagang kailangan ni baby, kesa nga naman gutumin siya πŸ‘πŸ’•