Breastmilk/Formula

32 weeks preggy na ko. Oct 3 ang EDD. Gusto ko lang malaman kung ano ginawa ng ibang mommy. Gusto ko kasi pure breastfeed sana si baby pag labas nya. Ayoko sana gumamit ng formula. Kaso naisip ko, kagaya sa ibang mommy, ilang days pa bago lumabas yung gatas. Sa lying in kasi ako manganganak, wala naman ibang mga mommy dun para mag donate ng breastmilk. Kaya gusto ko lang malaman, kung bumili pa ba kayo ng formula, in case na ilang araw pa bago lumabas ang gatas, baka kasi gutumin ang baby. Please give me an advice naman po. Kailangan ko pa ba mag prepare ng formula? Or ipa-latch ko lang kay baby hanggang sa lumabas na ang gatas. Kaso pano kung abutin ng ilang days?

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ngayon pa lang mommy masipag ka na kumain ng ulam na masabaw lalo na yung may malunggay, lagi kang umiinom ng water ganon din ang maternal milk plus malunggay capsule, tingin ko magkakamilk ka agad kahit di pa lumalabas si baby.

6y ago

Yes, madalas ako kumain masasabaw na foods like sinigang, tinola. O kaya iba't ibang klase ng isda na sinasabawan. Maternal milk nag stop na ko kasi nauumay na ko eh. Bearbrand nalang. Tapos yung malunggay capsule. Pwede na ba ko mag start mag take nun para sure na paglabas may gatas na ako agad? Ngayon kasi wala pang lumalabas sakin. Nakakainggit tuloy yung ibang mga mommy na may gatas na habang preggy pa.