BadDay ??

31weeks preegy Nakakaasar :'( nasira araw ko. Gusto ko umiyak ! Yung feeling na minsan o ngayun ka lang nag utos na narinig nila napag sabihan ka pa :'( ang laki na ng tyan ko . Hirap na ko tumayo ng agad agad . Yung hubby ko nag luto ng egg tas ako nag prepare para kumain. Tas mabubulunan na ko . Kaya nakisuyo ako kay hubby ng water . Sabi ba naman ng lola nya "tubig na nga lang daw di pa ko makakuha. Kesyo wag ko daw utusan ng ganun sa harapan nya yung apo nya, ako daw tumayo saka kumuha ! ." grabe ou tubig lang yun pero saan ko pa kukunin sa labas pa na madulas saka nabubulunan na ko . Anu ba naman yung naisip ni mami na buntis ako nahihirapan na ko tumayo . Grabe . Halos araw araw wala kong pahinga. Tas alam pa ni hubby na masaket katawan ko. Gawa ng tanghali na ko na gising dahil napuyat ako gumawa ng mga pambalot sa notebook ng hipag ko na grade 1 . Naiinis ako :( kase pag yung apo nila nag-utos ng kunin yung ganyan . Laban yung ganyan . Pakainin si hubby. Asikasuhin maigi . Okay lang sa kanila . Pero pag ako. Haist pag ako !!! Nakakaiyak . Lage nalang silang pinagbibigyan . Ayoko na ngang kumilos dahil 8months tong dinadala ko . At ang baba na kakagalaw . 8months palang to pano kung mapaanak ako ng wala sa oras kawawa kami ng anak ko . Nakiusap ako sa asawa ko na 9months ako magtatagtag . Kase delikado ang 8months maraming nakukunan ng 8months ! Takot na ko makunan :'( 2beses na kong nakunan . Di nila naisip un ! Graveee . Uuwi na talaga ako .

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo hubby mo about sa sitwasyon mo mommy kasi sya lang din may kakayahan magsalita sa kaanak nya. Kung ako siguro nyan mangangatwirana ko pero sa tamang paraan. Sabihin mo yung side mo. Sabihin mo rin sa hubby mo kung di nya kayang ayusin issue mo dyan sa bahay nila mas mabuti pa umuwi ka nalang sa opinyon ko lang mommy. Mahirap kasi makisalimuha sa ganyan e. Bat mo pa pahihirapan sarili mo mas mabuti pa sa side mo wala kang problema. 😊 kasi ganun ako dati e sabi ko sa hubby ko kung di mo kayang solusyonan yung issue ko dito sa bahay nyo mas mabuting uuwi nalang ako.

Magbasa pa
6y ago

Okay na sis . Sa friday checkup ko luwas ko . Dun muna ko sa bahay namen . Hehehe .

VIP Member

mag iba nalng kayo nang bahay

6y ago

Yun nga po balak namen sis .:( sabi ko luluwas na muna ko sa 21 kase check up ko .