pabalik balik na uti

31 weeks pregnant Ano ba mabisa gamot dito sa uti mga mamsh? Pabalik balik uti ko. Nakaka stress

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa akin po di na talaga UTI. kidney na nga.. niresita ng medwife ko antibiotic safe naman kay bb.. inomin ko daw yun 2tyms a day 7days daw. mahal ng gamot. after 7days UA ako ulit mas dumami ang bacteria. resita naman ulit c medwife ko. ayun parang di naman cya mawala wala sa gamot gastos lang . so nag water therapy nalang ako. palagi ako umiinom ng maraming tubig kada ihi ko inom naman ako.. so ayon nawala. di alam ni medwife na di ko binili ang gamot. ahahhaa

Magbasa pa

Paano niyo po nasabing pabalik balik ang uti niyo? Nakakasama po yan sa baby. Dapat totally maalis ang bacteria. Kung nagpa check up po kayo, magbibigay po yung OB niyo ng tamang dosage ng antibiotics. Ma-aalarma po yun kung pabalik balik yan

VIP Member

Cefuroxime axetil 7days po yan Pero dapat po avoid nio mga foods / drinks na nakaka UTI then palaging Inom ng 12 or more glasses of water. Mahirap po yang pa balik balik. Magastos sa gamot at pwedeng makaapekto pa sa health nio

5y ago

Wc sis... Dapat pag nag antibiotics ka kompletohin mo talaga Kung sinabi g 3x a day 7days a week taposin m talaga Un kc magiging useless ung gamot pag dmo tapusin

VIP Member

More on water and buko juice po while taking your antibiotic. Pag di paren po nawala yan re resetahan kayo ng OB nyo ng bagong antibiotic Hoping na mawala napo ang UTI nyo mommu kase si baby po ang kawawa :(

Nagka uti din ako sis. Advised sakin ng OB ko 3 liters of water everyday. Niresetahan nya rin ako antibiotic. Di ko kinakaya minsan ung 3 liters. 2 or 2 1/2 lng. Umiinom din ako buko at Cranberry juice.

VIP Member

Mataas cguro tlaga uti mo .. tpos baka ung nireseta pa sayong antibiotic mahina. Basta hnggt d gumagaling papalitan dapat ni doc ung gamot na nireseta nya ng mas mataas na klase ng antibiotic.

iwas lahat ng bawal mommy at buko juice at more water po lagi di bale ng pabalik balik sa cr basta mawala uti po

VIP Member

icomplete po dose ng antibiotics at pgnaiihi, punta na agad sa cr. wag po itiis. drink plenty of water dn po

5y ago

your welcome

Baka need nyo na po pa urine culture and sensitivity test. Para malaman yun tamang gamot na inumin.

4y ago

agree to urine culture and sensitivity test

Hala sis baka may effect na yan kay baby. ☹️ Ako isang beses lang may effect kay baby pag labas e

4y ago

anu po effect sa baby nyu momsh?