Asking for suggestions.

3 months nalang po bago mag 2 years old ang baby ko. pero di pa sya nakakapagsalita ng words. "Mama" lang ang alam nya na word pero nagba~babble naman na sya. Any suggestions po para mapadali umimik ang baby ko?

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa March magtu-2 ang lo ko momsh at marami na syang alam na words. Nagko-combine na rin sya so he can make up phrases and express himself. Like when he wants to breastfeed, he would say "deidei pis (dede please). " Pag nasalabas kami, he would point up👆 and would say "Sky booo" and I would repeat it and say, "Yes. The sky is blue." We also use to watch vehicles from the gate and he would identify passing ones saying, "caaah, vaaan, jeep, tlak. " I always talk to him in full sentences and let's him watch educational videos like Kiddopedia and Blippi. Dun sya natuto ng animal names and sounds, different kimds of vehicles, and alphabet and numbers. May mga toys din sya for object identification where we practice. But never pressure yourself mommy kasi iba iba naman ang learning pace ng mga bata. Just do your part like continuously talking to him and introducing things. Like when we eat, I teach him his foods and utensils kaya recognize nya at alam nyang sabihin ang spoon, fork, plate and glass pati yung food na kinakain nya. Repetition is the key lang talaga. Even during bath time , I teach him his body part in playful ways. He gets it this way. Ulit ulit lang kami, kaya tyaga-tyaga lang tayo talaga

Magbasa pa

Lagi nyo po kakausapin at wag masyado sa gadgets isa po yan sa dahilan bakit hindi agad nakakapagsalita ang mga bata. Kapag kinausap nyo po sya yung tuwid na salita. Sabi po ng pedia kung ano naririnig ng mga bata satin yun din gagayahin nila. Meron daw po kasing mga mommies na kung ano salita ng anak nila gagayahin nila kaya akala ng mga bata yun yung tamang salita.

Magbasa pa
TapFluencer

Kausapin nui po lge mommy at kantahan nui like nursery. Ung sakin 10mos.pa lang pro sobrang daldal na nagreresponse every kinakausap ko sya kht babble kumakanta din everybedtime din binabasahan ko sya or kinakantahan ng pampatulog..no baby talk po.syaka wag nui sya ibabad masyado sa mga laruan or gadget instead kausapin nui lng or encourage him to read book

Magbasa pa

Ganyan din anak ko e. Magtwo 2yrs old ndn sya d pa dn msydo naimik. Pero dinala na namin sya si Speech Path ang sabi nung speech path nya ung mga ganyang age tlga ung dpat dinadla sknla kse yan ung tamang age para mcheck sila f pipi or paya. Pero ngyon naimik imik naung anak ko nkka3 sessions plng sya.

Magbasa pa

2 years and 3 mos na ang baby ko momsh. Pero marami na syang nabibigkas na words at nakakasabay din sya mga rhymes na kinakanta ko sa kanya pero di ako pressured kasi iba2 naman ang development ng mga bata. Yun lang, wag mo lang e-baby-talk para masanay sya na straight magsalita.

VIP Member

Kapag may hinihingi sya, sabihin mu at ipaulit sa kanya 😉 Yung first daughter almost 3 na nuon pero konti pa din lang ang nasasabi nya kaya advise ng pedia ipasok sa playschool para maka interact sa kapwa bata. After that summer class ang daldal na nya!

Dapat po ay laging kausapin ang bata at iwas muna sa panunuod. Depende din kc sa bata, ung baby ko Wala pang 1yr old madaldal na, mas nauna pa sya magsalita kesa maglakad. Kaya don't worry po if ndi pa sya nagsasalita.

Kausapin nio lang po sya ng kausapin saka wag nio gayahin ung baby talk nia. Make sure na ung correct pronunciation ng words ung iulit nio skanya pag may sinasabi sya pra ma adapt po nia :)

Lagi nyo po dapat sya kinakausap. Or gusto nyo po may mga speech pedia naman e. paconsult nyo po. Kasi yang mama nasasabi na ng ilang buwan na baby e. Dapat nadagdagan na alam nyang word.

Yong 2nd child ko.. 5 years old na pero hindi pa nakakapagsalita ng daretso.. Puro mga dulo ng salita lang nasasabi niya... Sabi ng tea cher niya.. May speech delay daw ung LO ko...