MY DAILY ROUTINE

3 am : Gigising na para magluto ng almusal ng LIP ko, magplantsa ng uniform at magasikaso sa kanya. 6 or 7 am : nakakatulog ako para bawiin ung kulang na tulog. 10 am : magigising ako at may naririnig ng parinig at salita sa MIL ko. Kesyo puro tulog at higa lang when in fact kapag gumalaw ka sisigawan ka pang mabagal kumilos or susundan ung galaw mo. 11 am : nag aayos na ako ng kwarto namin ng LIP ko 12 nn : kakain (di ako pinapaluto kasi mas gusto ng MIL ko sya nagluluto, pag ako nagluto minsan tinatabig ako kasi mabagal raw ako) 1 pm : nililibang ko sarili ko para di ako mastress kahit talagang stress na ako isa ng sign dun ung paninigas ng tyan ko. 3 pm : Maliligo na ako, pauwi na LIP ko magrereklamo nanaman syang ang baho ko na. 4 pm : nag aabang na ng chat ni LIP, ano ipapautos, kung magpapasundo sa may babaan ng tricycle 5 pm : nakauwi na si LIP, utusan na ako maglaba ng uniform. Bumili ng snacks nya (nakikibili na rin ako). Tapos sya hihintayin na lang matapos ako sa mga inuutos nya habang nagccellphone(youtube,facebook,mobile legends) without asking kung nag meryenda ba ako? Kung kamusta ako? 6 pm : ibabad ko na ung uniform nya (ayaw nya ng maduming uniform) 7 pm : maglalaba na ako tapos magpahinga. 8 pm : kakain na kami ng hapunan tapos si LIP naghuhugas ng plato since sobra akong pawisin at nahihirapan na ako maghugas dahil nababasa tyan ko(madalas kinakabag ako at panay dighay pag nabasa tyan ko) 9 pm : kung anu ano na lang ginagawa ko para malibang sarili ko since wala naman akong makausap. Kahit katabi ko LIP ko sa messenger pa kami nag uusap, kasi maririnig kami ng MIL ko at pag may narinig na hindi maganda pupunahin nanaman. 10 pm : matutulog na si LIP at ito nanaman ang oras ng pag iyak ko. 12 pm : nakakatulog na akong mugto ang mata. And same routine pag gising. Pagod na ako mga mommies, nahihirapan ako mag adjust at makisama. Mag mukhang okay kahit hindi, magpanggap na wala akong problema. And yes, buntis ako ngaun 7 mos turning 8 mos next week na ang tanging naiipon palang is panligo ni baby, onesies na nakuha ng libre sa shopee, ternong damit na binili ng mama ko, diaper ni baby na pinilit ko pang bilhin nung 6 mos palang tyan ko at atm na walang laman dahil nagagalaw sa mga pambayad pag gipit na.. Di ko na alam gagawin ko mga mommies, san ko ilulugar sarili ko. Pakiramdaman ko napaka worthless ko. Di ko alam ano nagawa ko bakit pinagdadaanan ko lahat ng to. I was advised to take ng gamot na pampakapit since nagka brown discharge ako even 7 mos palang tyan ko, mag bed rest at tigil muna sa kakalakad lakad (na tinutulan ng MIL ko at pinagmalaki nanaman ang pagbubuntis nya noon sa mga anak nya, na kesyo sya kumikilos ng bahay, na kesyo sya d nagpapacheck up monthly gastos lang daw, na kesyo dapat maglakad lakad raw ako hindi palaging nakahiga) May nasasabihan ako ng problema ko pero parang ang bigat pa rin sa pakiramdam. ?? nababawasan lang ng onti ung nararamdaman ko. Nagkkwento ako sa mama ko pero napupunta lang sa pagtatalo, at sasabihin nyang pinasok mo yan at ginusto mo yan. Kumakapit na lang talaga ako para sa baby ko.

2 Replies

TapFluencer

medyo mahirap po situation mo is there a way na bumukod kayo ni LIP kay MIL? i think that will give u a lot of breathing space also find ways to earn money kahit online. impt maging financially stable ang babae ngayon

Be strong mommy. Kaya mo yan para kay baby. ❤❤❤ Pray ka lang kay God. Anjan lang sya for you.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles