Nahihirapan ako sa sleep cycle ni baby

May 2mos old newborn ako. Simula nung almost 1mo na si baby ay nag iba body clock nya. Natutulog siya ng dawn (madalas 2am-4am) tapos nagigising na ng noontime. Minsan naman maaga siyang natutulog at maaga ding nagigising. Usually awake si baby ng hapon-gabi or gabi to midnight. Kapag natutulog na si baby ay hindi agad siya nahihimbing. nag eexpect ako na mahiginbing agad sya dahil mataas oras na gising. Like aabot nga 5x na tatangkain naming ilagay sa bed dahil akala nami mahimbing na tulog pero nagigisng din agad. Nakakapagod talaga lalo na sa dawn nangyayari dahil sinasayaw namin nga partner ko para lang makatulog agad. Antok na antok na talaga kami. Minsan nga umiiyak na ako sa pagod. Malapit na matapos maternity leave I'm afraid na wala akong tulog while sa duty. Pahingi experiences nyo sa pagpatulog ng mga babies nyo, mommies and daddies. Gusto kong ma feel at malaman na hindi ako nag iisa sa experience na ito dahil nakakapagod na talaga. By the way, 2nd baby ko na pala tong story ko. Eldest ko ay 9yrs old na at nakalimutan ko na kung ano ways ko pagpapatulog ko noon. Salamat. #sleepcycle #sleepdeprived

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

laban lang mi. ganyan ata talaga kapag mga newborn. di rin ako halos maka tulog nung 1-2 mos ni baby. cs pa ako pero ako talaga yung bumabangon kahit fresh pa ang sugat ko. kasi wala hubby ko . mama ko lang tumutulong sakin. umiiyak nlang ako minsan kasi di ko alam anong gagawin na iyak nang iyak si baby. EBF ako. katagalan gumawa na ako nang sleeping routine nya. naka tulong din ang duyan samin lalo na pag antok na sya. dinuduyan namin pag maka tulog na sya tsaka namin nililipat sa bed kasi cosleeping kami. ngayon mag 6mos na sya next week awa nman nang Dios nkaka tolog na kami nang maayos sa gabi. nagising nlang kapag ka gutom sya.. tsaga lang mi. Pray din. lilipas din to.🥰🥰

Magbasa pa