Help! Need your advice/opinion
4 months na po si baby pero ayaw pa rin magpalagay sa crib or Co-sleeping tuwing umaga. Ang nangyayari po ay karga ko siya tuwing natutulog siya during day time. Kapag nilalapag ko nagigising talaga siya. Kahit antok na antok pa siya. Tapos pagkabuhat ko naman biglang bumabalik sa pag tulog. Nakakapagod na kasi ang ganitong routine. Nag simula po ito ng malapit siyang mag 2 months hanggang ngayon. Pag sa gabi naman nagppalagay siya sa crib 6pm-5am. Kapag po 5am nagpapabuhat na po siya. Help me mga mommies. Ano kaya ang magandang solution? First time mom po kasi ako. Ako lang talaga nag-aalaga kay baby.