takot ng mga midwifes sakin. ako po yung nag post na kahit kabuwanan kona not seen gemder parin

May 29, 5:30 panay lakad nako hanggang sa mag 6 nakakaramdam nako ng sakit ng puson, sakto check ko narin so pumunta nako ng center to ie. 2-3 cm pako then may nakita na syang dugo. Nag aalinlangan pa sila skin kse sobrang laki daw ni bby at age of 19 tapos height 4'11 lang wala daw sa tama pagbubuntis ko kse sobrang laki daw ni bby 3.5 kg. Tapos pinakausap ako sa doctor to refer ng private hospital kc daw wala tumatanggap ng public. Takot sila na baka diko kayanin kase first time mom pa. Inisip ko naman wala ako pambayad if sakali ma cs ako. So, lakas loob ako na . Kaya kopo. Hirap wala pera. Ngumiti lng c doc, sabay sabi " cge subukan daw. after check up umuwe nako. Then sunod sunod na sumasakit puson ko hanggang likod pero carry pa naman. Todo squats nako, lakad lakad lqng sa bahay... Hanggang sa mag gabe panay sakit na . Lalo na likod ko palala ng palala. Pero tiis padin ako umuulan pa non. Alam ko kc 10 cm pa need nila para paanakin. Tapos alam korin namn di nila agad papaanakin so wait ako ng tamang oras para pumunta sa health center,. Hanggang sa namimilipit nako sa sakit ng balakang ko. Nagpasama nako sa kuya ko. Naglakad lang kami kahit umuulan. Sumusuka suka nako sa daan at dasal narin kay God?. Hanggang sa makarating kami. Nagulat sila sakin, sabay sabi,. " Kinausap kna pala ni doc dapat dimo tinqnggihan para maaga pa lang naihatid kana sa hospital na pinag oferan. Pinilit mopa tlaga dito e anlaki p naman ng bby mo. Osya higa kana " pag ie nila sakin 7 cm pa lang . So don nako ng labor ng tuluyan . Wala dw cla mgagawa trial lang daw. Kung di kaya sugod ako sa hospital. Pero lakas loob talaga ko then pray kay God . Kasama ko si God ? Time check 1:30 am Hanggang sa sobrang sakit na talaga ginising ko nga midwife. Then i.e ulet 9cm nako. Sobrang sakit na talaga tigas mg tyan ko. 3:30 pa daw . Or di kaya kapag natatae nako tawagin ko lang daw sila. Mga tulog po kc sila. Nagpapahinga ... So eto. Dina ko maintindihan ng kuya ko. Panay hawak ako s likod ko Sobrang sakit na talga. Paramg gusto kona tumae. Nanininginig na tuhod ko. Na hinang hina. Hanggang sa booom pumutok na panubigan ko sa kakatiis mag 2:20 na yun. Inutusan ko c kuya na gisingin sila . So ayun lumakad nako kasama midwife papunta delivery room . Pinahiga nako. Then ire na. Tska na sila nagsuot ng gloves ng makita na nila ulo ni bby. Then after non . Pinaire nako graveh. Parang taeng tae. Ganun pala feeling. Kada bilang ng tatlo. 10 seconds na pag ire ng malalim. Hanggang lumabas na nga c bby . Pang apat na ire ko lumabas na sya agad . 2:30 sya lumabas. Surprise gender. Its a bby girl?? sobrang pasalamat ako kay lord. Then sa mga midwifes na kahit nag aalingan tumulong na mg push para samin ni bby hehe. Anlki nga tlaga ni bby. Meet my bby Azeya Mae?❣️ Born : May 30 2020 @ 2:30 am Edd: June 4 2020 kahit paiba iba nilalagay june 6 or 8 3 kg malapit na pala mag 3.5 kg kase sa ultra. 3.5 wieht Normal delivery??

takot ng mga midwifes sakin. ako po yung nag post na kahit kabuwanan kona not seen gemder parin
73 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wow congrats momshie.. Nakatuwa naman. Nailabas mo dn c baby, ang laki nya. Ako din sa ultrasound ko naman 3.2klos na xa sa loob. Last week lang ako nagpaultrasound. Sabi ng midwife sken sa lying in wag na daw ako kumain hehe. Kasi laki na daw baby ko sa loob. Nattakot nga ako ayoko naman maCS gusto ko normal lang. Sana kayanin ko. Pero nakaya mo nga dba. 38weeks 3days nako ngaun.

Magbasa pa
Super Mum

Congrats momshie! Tama tlg yang ginawa mo..it's all in the mind.. bsta alam natin sa sarili natin na kaya natin. Wla clang magagawa. Praise the Lord tlga!.. wla nmng imposible ky Lord.. at least.. napalabas mo xa ng healthy at ang bilis ah.. tska pg gusto na lumabas ni baby, lalabas at lalabas tlga yan! Congrats again.... Godbless to your parenting journey..

Magbasa pa

😭Mag 4 months palang ako, at nag aalala. Naiiyak ako habang binabasa ko, kasi nanuod ako sa youtube kung ano nangyayari pag nanganganak, parang natakot nako😭. Pero ngayon, nung nabasa ko yung sinabi mo na "KAYA KO PO" lumakas loob ko. 😭😊😊😊😊 Salamat at congrats sayo,😍😍😍.

Congrats. Sana makaraos na din ako. I'm 38 weeks and 5 days. More lakad pa daw medyo mataas pa daw si baby ko. June 10 expected date kasi irregular mens ko. Pero sa ultrasound kong tatlo June 10, June 14, June 18. Kaya base sila sa first. Tiwala nalang kay GOD sandalan ko.

Congraaaats mamsh! Talaga palang may possibility na i-cs kapag malaki si baby at ikaw na mommy ang maliit? Shems. Pano na ko. 😂😅🤦‍♀️ pero nakakabilib, totoo talagang tayo ang mas nakakaalam kung kaya natin o hindi. 💪 Kapag mahina loob mo, talo ka.

Hi sis nakakainspirr naman kwrnto mo tganks for sharing pabalik balik dn kami lying inn now, mamaya 3 balik ulit kami 4'10 lang din ko tas 3.6kg si baby sa ultrasound tapis 40,weeks 3 days nako 1cm padin, ittrial labor daw ako mamata, kung d kaya ics din ako

4y ago

Ftm and 19 yrs old lang dn ako

CONGRATS PO! ❤️❤️ SANA MAKAYA KORIN NORMAL DELIVERLY. 20YRS LANG AKO AT 5 FLAT ANG HEIGHT, ANLIIT KO TAPOS MALAKI DIN TYAN KO PARANG ANLAKI DIN NI BABY. PASAMA PO SA PRAYERS NYO. THANKYOU PO!! 😇

Congratulations po sayo ate.. edd ko, june 9.. still no sign of labor, sana makaya ko din tulad mo,, mejo takot pero kakayanin ko para sa baby ko,,

4y ago

Kelan due date mo sis?

Laging naman..idol!!!ang brave ni mamsh☺Congrats ☺🌼🌹🌼ang healthy ni baby..sana ganyan din ka strong ang baby ko😊🙏

VIP Member

Seriously, naiyak ako dito. Iniisip ko sana ako din. Gusto ko normal at maayos kong mailabas ang baby ko. Congratulations, mamsh!

4y ago

Dasal lang po talaga. God bless po sa inyo😇❣️