My Birth Story

Goodafternoon mga Momsh gusto ko lang i share yung Birth story namin ni Baby. So yun start ng December 13 pinapabalik ako ng 4pm to check again ng I.E dahil 4cm nako pero hindi ako bumalik ng 4pm nag lakad ako ng napaka layo dahil ramdam kong ayaw niya pa lumabas dahil sobrang likot niya pa pero nung pauwi na kami sa bahay naka ramdam nako ng hilab sa tiyan na every 5 mins wala ng tigil talaga pero nakakaya at natitiis kopa naman so nag decide ako bumalik ng Hospital bandang 8-9pm dahil nakakaramdam na nga ako ng hilab pero pag I.E sakin ng still 4cm parin sabi ni Doc lakad-lakad pa daw then balik after 2 hours mga 11pm so lakad-lakad ako until 11pm pag I.E still 4cm parin daw so nalulungkot nako dahil sobrang sakit na at todo lakad at akyat-baba naman ako sa hagdan di manlang na dagdagan. Nag decide akong umuwi kami ulit sa bahay pag tapos ng I.E dahil antok at sobrang sakit narin ng paa ko kaka lakad. So natulog ako kahit humihilab yung tiyan ko then bandang 1am ng Dec 14 kada hihilab siya sobrang sakit na yung tipong tumutulo na luha ko, sinabihan nako ni Hubby na bumalik na kami ng Hospital para ma check ako pero ayaw ko dahil baka 4cm parin kada hilab iyak nako ng iyak kahit walang luha. Then biglang may bumulwak saking tubig so nanginig nako at pinatawag kona si Mama sa Hubby ko para pumunta na ng Hospital. Pag dating dun still 4cm parin pero pumutok na panubigan ko. Kada hihilab siya talagang umiiyak ako ng malakas dahil sobrang sakit hanggang sa iaakyat nako sa Delivery room sakto natatae nako na ewan lalabas na pala si Baby ko iyak nako ng iyal dahil di kona mapigil pero pinapagalitan ako ng Nurse at Doctor. Pagka akyat sakin sa taas sobra na ang iyak ko dahil lalabas na talaga pero pinapagalitan parin nila at narinig kopa sabi nung Nurse na nag akyat sakin nako Doc 4cm palang naman yan tignan mo pinipilit niya lang kasi iire. Parang gago yung Nurse diba palibhasa hindi niya alam so sabi ng Doctor lipat muna daw ako sa higaan dahil baka malaglag daw ang Bata pag umiri ako sa upuan so tiniis ko muna hanggang malipat ako sa higaan pagka higa pina ire ako ng Doctor at full na nga daw at nandun na yung ulo ng Bata di pako pinapa ire pero umiri nako ng isang malakas dahil di kona talaga kaya at lumabas agad siya. Sobrang nag thankyou sa Doctor at lalaking Nurse na kinapitan ko habang umiire at nag thankyou kay Bro na naka raos na kami. Worth it lahat ng hirap nung lumabas na si Baby paulit-ulit akong nag Thankyou sa mga taong naka paligid sakin at kay Bro dahil di niya kami pinabayaan??.So Dec 14 at 3:04am siya lumabas via Normal Delivery??❤️?Sorry at napahaba po?? Meet my Little Girl Driana Lhei?2.8kg?

My Birth Story
67 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Minsan nakakainis din yung mga nurse at doctor. Same sa case ng nanay ko. Dati naman daw walang sukat sukat ng cm. Yeah may factor yun pero ang nanay mismo ang nakakaalam kung feeling niya lalabas na tlaga pag iire niya na. May ganun daw tlagang pakiramdam eh. Like sa bunso kong kapatid malayo pa daw sabi ng doctor pero feeling ng nanay ko lalabas na pag inire niya. Ayun isang iri lang lumabas yung kapatid ko tapos nagalit pa sila kasi hndi sa delivery room nanganak nanay ko. Kung tutuusin kasalanan nila kasi hndi nila kino-consider yung sinasabi ng nanay ko hahaha

Magbasa pa
4y ago

Agree. Yung iba nga hndi na binibigyan ng chance umire lalo na kung di umabot ng 10cm. I ccs na agad. Mga mukhang pera kasi karamihan sa kanila eh.

Momsh, dapat ung plain lang muna na para sa kamay ni baby.. Kasi pag printed natatanggal yung print and nag ca-cause ng rashes sa skin ni baby.. Advise lang dn yan ng ob ko.. 😊

4y ago

Ah okay po sa hospital lang naman po yan 1day lang now plain na suot niya. Ty🤗

Congrats momsh. Cute ni baby girl. Same sila ng blanket ng baby girl ko. Still waiting padin sa paglabas niya. Medyo naiinip nako .stock parin ako sa 2cm. Huhuhu.

TapFluencer

Wow congrats mommy kamakailan lang naiinip ka hehe. Ngayon lumabas na.... Congrats ty 🙏🙏🙏🙏🙏🙏 LORD GOD IS GOOD

4y ago

Yes kaya nga po eh salamat🙏

VIP Member

cute ni baby..1day older lang yung baby ko sa baby mu..Dec13 8:19pm via CS 😍

Congrats!!! Sana baby girl din itong 2nd baby ko😊 hindi ko pa kasi alam😊

Congrats sis. May mga nurse talaga na mgagalit palibhasa hindi sila yung nasasaktan

4y ago

Kaya nga po eh nakaka bwiset😔Ty sis🤗

Aq din momsh stock 4cm nung Friday pa tom mg lalakad aq baka skaling effective...

4y ago

NG moa aq momsh lakad lakad pero ndi effective Tom ulet lakad lakad aq hirap ng gnito skit na pempem ko tpos skit pa NG ngipin ko sa gabi dko alam kung bkit knina pla NG lalakad aq my prang brownish n lumabas pero nwala din nmn...

Matisod sana yung nurse na yun. Kung ako yan sampalin ko yan. Lakompake.

4y ago

dpat lng na awayin sila. Kasi kung mka asta kala mo kung sino

VIP Member

Congrats mommy Nanganak kna rin 😊 Sana mka raos rin kami ng maayos...

4y ago

Yes ty po pray lang. Ako ganun ginawa ko then kausap kay Baby🙏