Team January!❤️ (Chika ko naranasan ko😂)

Edd via utz; January 20, 2023 Na i.e ako nung December 30 sabi 1 to 2 cm na ako then pag balik ko ng January 6 sabi 2 to 3 cm na ako at malambot narin cervix, 7pm nag simula manigas tyan ko sabay sakit ng puson sabay ng balakang kala ko false labor lang yon kaya hinayaan ko lang tapos habang tumatagal pasakit ng pasakit 11pm nag ka blood discharge na ako sobrang sakit narin pero tiis lang iniire ko habang sumasakit hahaha tapos 2am sabi ko sobrang sakit na parang natatae narin ako edi punta na ospital 3am nakarating pag i.e 8cm na daw ako tapos 3:30 am pasado inakyat ako sa labor room sobrang sakit na talaga non pero sabi parang di daw 8cm kasi nakakangiti pa ako parang wala lang daw, habang sumasakit iniire ko talaga tapos sabi wala padaw medyo mataas padaw pag i.e ulit sakin tiis na tiis ako halos lahat ng santo tawagin ko hahahah pangalawang i.e sakin mataas parin daw edi pag sumasakit talaga iniire kona ng bongga hanggang sa pag putok ng panubigan ko pinasok nako sa Delivery room. January 7, 6:15 AM baby's out worth it lahat ng pain napaka gandang bata🥺❤️ #TeamJanuary

Team January!❤️
(Chika ko naranasan ko😂)
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Team January din po ako EDD ko po is 24 pero kahapon nakaranas na po ako ng sakit .. masakit tyan ko na sumasabay balakang ko tapos minsan nanginginig ang paa ko .. Nag i.e na po sila sakin 1 to 2cm na daw makapal pa daw .. ngayun naman halos mayat maya na yung sakit sabi kasi ng ob ko kapag daw nagka blood discharge ako punta na ako ng Hospital .. pero ang nangyayari sumasakit lang tyan ko tapos umaakyat sa balakang ko then maya maya mawawala din tapos maya maya sasakit nnaman ... please advice naman ano maganda pangpahilab ng tuloy tuloy ba .. nahihirapan na ako sa pahinto hintong sakit tapos mamaya sasakit nnaman tapos hihinto nnaman ... ewan ko po ano gagawin ko .. first time mom po at Hubby kulang din kasama ko .. same kami no experience kaya di namin alam ano gagawin ?

Magbasa pa
1y ago

pag humihilab mi sabayan mo ng ire ganito ginawa ko kaya nag 8cm agad ako sa bahay palang pag sumasakit iniire kona, insert karin ng eveprim mas mabilis kesa sa inom inom squat squat and walk kadin kahit sa loob ng bahay. Makakaraos karin have a safe delivery!❤️

VIP Member

Team January din here. Jan 21 edd pero nanganan na ng Jan 5. Normal sana, 5cm na pala ko di ko pa alam buti check up ko at nag IE si ob. Sobrang smooth sailing ng lahat at 7cm onting pain palang nararamdaman ko. Until mag fully dilate and inaantay nalang bumaba si baby pero bigla nag drop heart rate nya sa 50s kaya e-cs agad agad. Congrats team January na nakaraos na din! 🎉🎉🎉

Magbasa pa
1y ago

Congrats po!❤️

ako due date ko Rin sa 22 pero punta ako sa center nong ten follow up check up ko nag ie na ako 1cm na daw nong ume ako tuloy Parin Ang sakit Hanggang gabie din Hanggang nawala yong sakit tapos babalik ulit pero Wala pa Naman ako blood descharge gusto ko na Rin maka Rao's🙏🙏🙏🙏🙏🙏

1y ago

lapit nayan mi, nag eveprim kana po ba?

VIP Member

aww, same tayo Edd mommy january 20, pero close cervix pa daw ako though malambot na daw cervix ko at tuwing ie saken nakakapa nila yung ulo ng baby ko 😅, Congratulations mmy, sana ako makaraos nadin humihilab nadin sya ngayun at medjo masakit na tuwing naninigas sya.

1y ago

Malapit nayan mi pag humihilab samahan mo ng ire onti mi effective ganto ginawa ko e bilis nag ka cm pag punta ko ospital 8cm na agad haha. Have a safe delivery po!❤️

congratulations mamshie! nakaraos na tayo! sa mga team January, kaya nyo yan mga mamshies!!! pray pray lang then ndi nyo mamamalayan malalagpasan din nyo gaya namin and makikita nyo na si little one na worth it lahat ng pain during labor 🥰❤

1y ago

hirap lang mi pag abutin ng 6am talagang malalang puyatan hahahaha

due ko na po sa 22 but never pa ako na ie okay lang ba yun?? may lumalabas na po sakin na parang white mens na malapot haha. first time ko po. madalas na rin naninigas yung tyan ko at sumasakit-sakit na rin puson ko. any advice po gusto ko na rin makaraos🙏🙏🙏

1y ago

EDD ko January 31. 1st time din po, 36 yrs old. Sana normal delivery ako at tingin ko naman kaya ng katawan ko. Awa ng Diyos hindi ako maselan na buntis kahit 1st time. Sana safe kami pareho ni baby at healthy si baby😌🙏🙏🙏

TapFluencer

same Tayo edd sa ultrasound momshie pero no signs of labor pa rin madalas na mag contract Yung tyan ko pero di ko pa na feel ang pananakit Ng tyan at balakang pano ba to momshie 38 weeks and 6 days na Ako ngayun no signs of labor pa rin nakakabahala

1y ago

wait ka nalang mi lalabas rin yan si baby pag ready nasya hehe lagi mo syang kakausapin na wag kang pahihirapan, have a safe delivery soon mi🥰

sana all team january din ako kso still close cervix pdin ako nakadami nko nang evening primrose na insert malambot plng daw wala pading cm.edd ko jan 13 lagps nako 40weeks and 1 day nko ngaun hmmm..

congrats sa mga mommies na nakaraos na sa panganganak 🥰 nawa makaraos narin ako 3cm parin po ako wala parin sakit naninigas lang tiyan ko 🤔

congrats mi same tayu Ng EDD January 20 Peru still no sign of labor mi, buti kapa nakaraos na, any way congrats ulit💞🤗

1y ago

ako nun January 5 my mucos na lumabas 2days Yun Peru tumigil din bumalik sa white discharge, Peru lam ko na malapit narin makakaraos din ako, dipaman ngaun baka sa mga sumunod na araw ayaw Kung I pressure ag sarili ko mi kc mas kylangan ko Ng sapat na energy sa exciting part db.