STRESSED

28 weeks pregnant na ako. Ilabas ko lang sama ng loob ko ? yung LIP ko walang pake samin ni baby hindi ako nakakain ng maayos sa kanila dahil sa sinabi niya sakin na wala ako kwenta at wala ako nabibigay sa kanila dto sa bahay nila kaya nahihiya na ako kumain kahapon isang beses lang ako kumain ulam ko milo pa dumating sya ng gabi Galing work ni hindi niya ako tinatanong kung ok ba ako nakakain ba ako hindi niya din ako inaya kumain kaya di ako kumain. Hanggang ngayon dipa ako kumakain ? gustuhin ko man nakakahiya na sa pamilya niya dahil pinagsisigaw nia na wala ako ambag kaya hindi ako kumukuha ng pagkain ? nagtutubig na lang ako ngayon. Stress na stress na ako diko alam ano gagawin ko gabi gabi ako umiiyak dahil sa ginagawa niya. Wala pa kami nabibili na gamit ng baby miski isa at wala din siya ipon miski piso dahilan niya babayad sa utang daw lahat nasstress ako sa nangyayari sakin ?? help nmn diko na alam gagawin ko any advise po

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Balik ka nalang sa parents mo mamsh atleast dun safe ka at di ka pababayaan. Hayaan mo yang ka live in mo. Mas importante ang Anak sa lahat 😊 Wag paka stress. Super bad yun sa baby.

Wag ka mag paka tanga jan. Wake up. Hindi dahilan ang isang bata palang na pinag bubuntis mo para mag paka tanga ka sa lalakeng yan. Kaya mong buhayin yan mag isa kung mag sisikap ka.

Nako 😩 Kawawa nmn si baby, umuwi ka na muna sainyo sis. Pasupport kana muna sa parents mo till manganak ka. Dpat isipin mo lagi si baby, kawawa nmn if wala kang knakain. 😩

VIP Member

mommy update mo kami sa kalagayan nyo ni baby ha, nag worry ako sa inyo, lalo na sa baby mo, sana okay na kayo, eat plenty po ha, be healthy po para kay baby, God bless po!

Kahit walang asawa bsta nandyan yung baby mo sayo ayus lang yun kasi yan yung kayamanan mo eh. Aanhin mo pa ng asawa kung wala namang kwenta.

Kausapin mo lng ung lip,kasi buntis ka ,kailangan kumain k po ng healthy,naiintindhan po kta.. pero dpat alam ng lip mo ung kalagayan mo..

Umuwi ka sa inyo, walang kwenta yan.buntis kapa lng hnd kana maalagaan pano pag nanganak ka? Mas kailangan mo ng aalalay sayo.

Bumalik kana lang kaya sa parents mo sis atleast hdni ka nla matitiis kaya ng gangawa ng ka live in mo grabe naman

VIP Member

Uwi ka na lang po sa pamilya mo. Mas isipin mo ngayon ang kalagayan nyo ng anak mo.

6y ago

Walang namamatay sa kakapalan ng mukha at sakripisyo for the sake of ur baby ate.. Kung ako lang yan cguro after ko manganak makarecover lang ako magwowork nako.. Ngaun nga khit may kaya kami iniisip ko kagad panu ako makakabalik sa work para mabgyan ng magandang buhay c baby. Kaya mong buhayin anak mo nako wag kang magsumiksik jan sa hayup na lalaking yan.. U know better now as a mother..

Uwi na mumsh. Kesa ginaganyan ka at parang wala naman paki din sayo ung mga inlaws mo