Acceptance Just to share

27 weeks pregnant here Ung lalakeng minahal ko ng limang taon at ama ng baby ko ay hindi na nagparamdam pa. Hindi na sya maconntact at nagiba na dn ng fb account. Simula pa lang ng sabihin ko na magkakababy na kami. Hindi ko nakita ang saya sa mukha nya at naisip pa nya na iba ang ama ng dinadala ko. Ngopen ako sa kanya na ramdam ko na pinagdududahan nya pa rin ako at hindi sya masaya na nandito si baby. Kinabukasan wala na syang paramdam. Pasko at New Year hndi na bumati pa. Hindi na ko nagtanong pa sa pamilya o kaibigan nya. Nalulungkot ako para sa anak ko na dinedeny sya ng ama nya pero wala na ko magagawa kundi tanggapin. Sana maintindihan ng anak ko balang araw bakit wala syang ama. Hopeful ako ngayong 2023 para sa amin ni baby na maganda ang future kahit wala ang daddy nya. Tanggap ko na wala na daddy nya at focused na lang ako kay baby.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung tatay nga po ng dinadala ko ngayon ganyan din. Hindi kami pinanagutan, binlock pa ko sa lahat ng social media. Ang reason nya is shooting blanks daw talaga sya since then (di daw sya nakakabuntis) 🤣 tapos last September nakita ko may gf na sya, yung gf nya pa eh may 2 anak na babae hahahahaha nakakatawa na lang na nakakainis. Kaming mag ina nya pinabayaan nya tapos nagjowa ng bago may sabit pa 🤣 abnormal.

Magbasa pa

same hays mga napakawalangya mga wlang konsensya d ko alam panu nila na titiis un magiging anak nila at pagduduhan kapa kahit wala ka kasalanan sobrang hirap mgbuntis ng magisa 🥲 kaya naten to mi madame blessing dadating saten pray lang

if ikakapanatag ng loob mo, you can communicate sa family nung guy, if after all your efforts e deadma tlga silang lahat then yes continue to live, love and laugh full of joy for your baby. better days are coming, in Jesus name!

Kaya nyo po yan. ☺️ Good thing po yung focus kayo sa baby. Kung kaya nyo po na wag mastress para na din kay baby. Di naman worth it ipaglaban yung ganyan. 💪 Pray lang po.

Kaya mo po yan mommy! God is always there for you and will provide for you. Focus kana lang sainyong dalawa ni baby, everything else is just background noise. 💕

okay lang yan kaysa naman nagpapanggap lang ung tatay na may paki sya sa anak nya, baka mas masakit pa un. kaya mo yan mag isa momshie. focus nalang kay baby 😍

kaya mo yan ❤️ focus kay baby, sobrang sarap maging nanay.. worth it ang bawat hirap.