Nahuli ko asawa ko may chinat na babae πππ
24weeks ako ngayon mga kananay, out of the blue binuksan ko ang work chat ng asawa ko at sa di ko inaasahan chinat nya yung babaeng pinag awayan na namin dati pa. Ang hindi ko matanggap, sa nabasa ko sya pa ang unang nag message sa babae. Ldr kami ngayon at ang uwi nya sa November pa, sobra akong nasaktan kaya pagkasend ko ng SS sakanya ng convo nila nung babae, blinock ko sya sa lahat ng social med accounts ko kasi gusto ko ng peace of mind. Ngayon, nasstress ako sobra kasi panay ang iyak ko, naaawa ako sa batang dinadala ko kasi alam kong nararamdaman nya yung sama ng loob ko. Nag explain yung asawa ko at humingi ng sorry nag msg sya thru e-mail ko, Kaso mga kananay 2 beses na nangyayare to, at ang masakit iisang babae lang ang issue namin. Umiiyak ako ngayon habang tinatype tong pag oopen ko sainyo, Hindi ko maopen sa kapatid ko o sa magulang ko kasi ayokong masira image nya. At ang sabi nya sa e-mail nya saakin babawi daw sya samin ng anak nya pag balik nya ng pinas. Pasensya na po kayo, di ko po kasi maopen sa kahit kaninong kakilala ko, gusto ko din syang patawarin at hiwalayan na ng tuluyan na pag usapan nalang yung sa bata at wala naman problema kung gusto nya sustentuhan o ano man. Dito nalang ako nag labas ng sama ng loob ko dahil mabigat talaga sa pakiramdam. Kasal kami at unang anak namin tong dinadala ko. Ngayon lang din kami nag ka issue about sa babae, 7yrs na din kami. Walang bisyo ang asawa ko at tahimik din na tao. Hindi ko alam na kung kelan naman ako nag bubuntis tska naman sya gaging ganito. ππ