Nahuli ko asawa ko may chinat na babae 😭😭😭

24weeks ako ngayon mga kananay, out of the blue binuksan ko ang work chat ng asawa ko at sa di ko inaasahan chinat nya yung babaeng pinag awayan na namin dati pa. Ang hindi ko matanggap, sa nabasa ko sya pa ang unang nag message sa babae. Ldr kami ngayon at ang uwi nya sa November pa, sobra akong nasaktan kaya pagkasend ko ng SS sakanya ng convo nila nung babae, blinock ko sya sa lahat ng social med accounts ko kasi gusto ko ng peace of mind. Ngayon, nasstress ako sobra kasi panay ang iyak ko, naaawa ako sa batang dinadala ko kasi alam kong nararamdaman nya yung sama ng loob ko. Nag explain yung asawa ko at humingi ng sorry nag msg sya thru e-mail ko, Kaso mga kananay 2 beses na nangyayare to, at ang masakit iisang babae lang ang issue namin. Umiiyak ako ngayon habang tinatype tong pag oopen ko sainyo, Hindi ko maopen sa kapatid ko o sa magulang ko kasi ayokong masira image nya. At ang sabi nya sa e-mail nya saakin babawi daw sya samin ng anak nya pag balik nya ng pinas. Pasensya na po kayo, di ko po kasi maopen sa kahit kaninong kakilala ko, gusto ko din syang patawarin at hiwalayan na ng tuluyan na pag usapan nalang yung sa bata at wala naman problema kung gusto nya sustentuhan o ano man. Dito nalang ako nag labas ng sama ng loob ko dahil mabigat talaga sa pakiramdam. Kasal kami at unang anak namin tong dinadala ko. Ngayon lang din kami nag ka issue about sa babae, 7yrs na din kami. Walang bisyo ang asawa ko at tahimik din na tao. Hindi ko alam na kung kelan naman ako nag bubuntis tska naman sya gaging ganito. πŸ˜”πŸ˜­

34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

masakit tlga yan sis para sa taong nagmamahal, 😭 laban lng sis para sa baby mo kawawa sya maapiktohan din sya sa nararamdaman mo, eh kung mahal mo nman tlga yung boy bigyan pa ng second chance baka nman magbago na para na lng sa anak nyo

same siss ganyan dn partner ko simula na buntis ako😒😒 pero iniisip kolang palagi anak ko at di na sya kahit wla nasya ayus lang sakin Basta sustento Ako hinahayaan konalang sya sa gagawin nya Kasi wla Naman nag sisisi sa umpisa.

sobra nakkaa stress ang pinagdadaanan mo sis..mgpkatatag ka at mgpatuloy pra s baby mo..PG iisipan mo mbuti Kun bibigyn mo Ng chance c guy..s ngyon iisipin mo munanag kapakanan Ng baby mo Kun ano mas makkbuti pra s inyo

Asawa ko din tahimik walang bisyo pero ayoko sya mag abroad kahit pa para saamin yon dahil nabawasan na tiwala ko sa knya dahil sa mga past na kalokohan nya kumbaga gang ngyon nandto padin

nasa adjustments pa po kau... kme po.ng asawa q... 13years bago naging maganda ang flow ng pag sasama namin... 3 na po ank nmin.. pag aapat ana... 37weeks pregnant po aq ngayon

Wag mo na balikan kahit pa sabihin ng iba na para sa bata. ULITIN AT UULITIN NIYA LANG RIN YAN. hindi siya mag babago magiging malala pa yan. BEEN THERE DONE THAT!

be strong po, khit mahirap, kaylangan kayanin para sa baby, iwas iwas po masyado sa kakaisip kht alam kong mahirap hindi maiwasang malungkot. Kaya yan mommy

uulitin lang din ulit yan. maniwala ka, mauubos ka kinabibigay mo ng chance. isang beses na lokohin ka hindi katanggap tangap 2x pa kaya

mahigpit na yakap sayo mi, mahirap at masakit ang pinagdadaanan mo lalo na at buntis ka po.

Mother alam mo na dyan ang sagot, in denial ka lang. Deserve mo ang peace of mind.