Required ba magpaalam kapag aalis at mag update tuwing wala kami sa bahay?

22 weeks pregnant na po kasi ako ngayon and super stressed na ako ngayon, may ilang times na sinasaktan ko na ang sarili ko. Nakatira kami sa tita ni hubby na nagpaaral sa kanya noong high school siya. Tumira kami dito after namin malaman na 8 weeks pregnant na ako, tumira ako dahil parents na ni hubby nagpipilit na tumira kami sa tita ni hubby since wala itong pamilya o anak at walang makakasama. Hindi naman kami homeless dahil bago kami lumipat nakasettle na kami sa isang apartment. Kahit di ko gusto na makitira, kinonsider ko na lang yung worried nila sa tita ng hubby ko. After namin makalipat, ang daming responsibilities na binigay sa amin ng tita ni hubby, from gastusin to gawaing bahay na ako ang gagawa. Okay naman sa una, pero 1 month lumipas sa pagtira namin nararamdaman ko ng di kami okay ng tita ni hubby, nagseselos siya sa treatment sa akin ng asawa ko. Gumagawa siya ng issue at nagsusumbong sa magulang ng hubby ko na ayaw daw namin siya sabayan sa pagkain at pinagtataguan siya ng pagkain. Dumadating din sa point na nagagalit siya tuwing aalis kami ng umaga ni hubby habang tulog siya at di raw kami marunong magpaalam. Minsan pumapasyal ako sa magulang ko at gagabihin na kami ni hubby, pag-uwi namin gagawin ko pa yung responsibility ko na paglutuan siya kahit tapos na kami kumain sa bahay ng magulang ko. Halos bawal kami gabihin man lang ni hubby dahil kailangan pa namin isipin yung kakainin ng tita niya, di man lang namin ma-enjoy yung time namin mag asawa ng walang iniisip. Yung magulang ni hubby galit na galit sa amin tuwing gumagawa ng drama yung tita niya, binabaligtad niya yung kwento at ginagamit niya palagi yung salitang tita siya ng asawa ko. Ako ngayon nadedepress na, nakakulong lang ako ngayon palagi sa kwarto dito sa bahay ng tita ni hubby. Wala akong ibang iniisip kundi regrets, minsan dumadating sa isip ko na pati yung pinagbubuntis ko pinagsisisihan ko na bakit dumating ako sa situation na ito. Wala akong mapagsabihan kahit pamilya ko dahil pati sila iniisip yung utang na loob ng asawa ko sa tita niya na tinirahan niya nung di pa ako buntis at nagpaaral sa kanya noong high school sya. Nasa point na ako ngayon na gustong gusto mong saktan yung sarili ko, gusto kong magpakalayo dahil sa situation ngayon.#pleasehelp

2 Replies

Mii here's my opinion. I think it's not respectful tlaga na hindi kau magpaalam pag aalis or uuwi ng late sa tita. Whether may utang na loob or not, might as well treat her as part of the family. Pede kasing nagaantay ung tita na saluhan nio sya kumain or Baka inaantay nya kau sa paguwi. I say this kasi nakitira dn ako sa tita dati and I realized na ang rude ko that time kahit sabihin n self independent ako. Now, kung masyado na madaming drama and nakakacause na ng stress and harm not only to yourself but to your baby, baka pede kausapin si hubby. Baka pede lumipat muna kau ng ibang bahay or if ayaw nya iwan ung tita mo, uwi ka muna sa bahay ng parents mo.

Again kausapin mo si hubby. Kahit ano siguro sabihin mo lalabas lang yan sa tenga ng mga kamaganak nya. Mas mabuti na sa hubby mo manggaling ung magiging desisyon nio. Umiwas ka muna sa drama kasi hindi na nakkaabuti sau. Magbigay ka ultimatum kay hubbypara magdecide na sya. Kesa nman makunan ka pa.

Hindi ka nya dapat pinagseselosan in the first place, means di pa nila kaya i let go si hubby mo na mag build ng ibang pamilya. Hubby mo dapat ang mag set ng bounderies, pag tayo mukhang bastos. Had a bad exp sa selosang relatives, ung tatay naman mismo sakin, four yrs ago un, cinut off namin

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles