Sino po dito ang tulad kong PCOS Warrior?

2017 VS 2020 Last October 2017, Nakunan ako dahil sa polyps sa cervix ko. That time, di ko expected na buntis ako dahil palagi ako nagbibleeding. I was surprised dahil that time may baby na pala akong dinadala sa aking sinapupunan. My OB requested me to do bed rest and take duphaston. Pero di pala ganun kadali lang yun. Birthday ng partner ko ng saktong mawala si baby πŸ’” 3 days na pala syang patay sa loob & lumabas sya ng kusa bago pa man ako madala sa ospital. Dahil sa pagkawala ni baby, sinama na ng OB sa raspa ang pagtanggal sa Polyps ko. Nov 2017, when I was diagnosed with Policystic right ovary. Dahil sa stress sa work, nawawala at bumabalik ito. Sabayan pa ng puyat at pagod. Dec 2019, I was diagnosed with PCOS (both ovaries) gumuho na ang mundo ko that time dahil iniisip ko na baka di na ako magkababy. This year, 2020 ang daming challenges sa buhay natin. Pagpasok ng taon, ang pangyayari sa Taal at sumunod agad ang COVID. Kami sa Travel Industry ay pansamantalang nawalan ng trabaho at nakapag rest ako ng todo dahil sa walang work. And this June 21, 2020 saktong Father's Day nung nalaman ko na buntis pala ako. ❀️😍 Sobrang unexpected! Sa lahat ng pinagdaanan ko nung nawala si baby last 2017 nakalimutan ko na lahat, dahil bumalik sya ulit sa panahon na di ko inaasahan. I'm sharing this for PCOS awareness & for those moms na nawalan ng anak. Kaya nyo yan! Labanan nyo ang Depression & Anxiety πŸ™ Madaming plans si Lord for us mga mommies & need natin magpakatatag dahil babae tayo 😍 #5monthspreggy #unexpectedblessing #PCOSwarrior #PCOSawareness #1stimemom #theasianparentph #pregnancy

Sino po dito ang tulad kong PCOS Warrior?
6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

may pcos din po ako both ovary , pero manganganak napo ako ngayong oct. 😊😊 last year ko lang nalaman na may pcos ako both ovary , pero sa pregnancy journey ki never ako nag spot momsh kaya thank god 😊😊😊

same here, nakunan ako nung 2017. diagnosed with PCOS last 2018.. March 2020 I found out na I'm pregnant.. now I am 34 weeks and 6 days pregnant β˜ΊοΈπŸ’™πŸ˜˜ God is good.. #pcosfighter

4y ago

Yieh ❀️ Congrats Mommy 😍 Keep safe po sa inyo ni baby ❀️ God bless our Pregnancy Journey πŸ™

Super Mum

Napaka goodvibes ng message mo mommy. God Bless on your pregnancy! ❀ Take care kayo ni baby 😊

4y ago

Salamat po Mommy! Ang dami ko kasi nababasa ng mga may pinagdaanan sa feed ko. Kaya na share ko yung story ko. Stay safe din po sa inyo ❀️

VIP Member

Wow! CONGRATULATIONS po mommy. Me PCOS dn ako before. Wala talagang imposible kay Lord πŸ™

VIP Member

Stay safe & healthy po. God bless your pregnancy, sis πŸ’–πŸ’–πŸ’–

4y ago

Stay safe & God bless you and your family ❀️

congrats po mommyπŸ₯° stay safe po saten mga preggy moms❀

4y ago

Thank you po Mommy 😍 Keep safe & God bless us all po ❀️