need advice

2 years na kaming committed sa isat isa kahit Ldr kami never ko na feel na nag-iisa ako kasi kahit magkalayo kami pinaparamdam nya saken na mahal na mahal nya ako at sya yung ideal guy ko nasa japan sya ako nasa pinas. Every christmas sya umuuwi pero this year pinayagan syang umuwi ng mama nya mag isa nung birthday ko akala ko everything will be perfect 1 week sya dito sa pinas then pag uwi nya 1 month after nalaman ko na buntis ako nung una sobrang caring nya saken at nakikita kona talaga sa kanya yung magiging future namin ng baby namin pinaplano na namin magiging future namen nalaman nadin ng parents namin syempre nung una galit pero napag usapan nga na pupunta kaming japan nag ppromise pa sya sa mama ko na gagawin nyang maganda yung future namin at di kami hahayaan na maghirap ng baby namin kaso bigla syang nagbago nung july 5 months na yung tiyan ko nun. natiis nya na kong hindi kausapin ng 1 week tapos nung nag usap na ulit kami humihingi sya ng space hanggang sa malaman ko na may nilalandi syang ibang babae na taga pinas din halos hindi ko na sya nakakausap hanggang ngayon sobrang labo na namin tapos before ako manganak uuwi sila kasama yung mama nya sa november actually okay naman kami ng fam nya kaso hindi ko na talaga alam kung anong mangyayare pag-uwi nya kasi magkikita sila nung babae, ang kapal diba tinetake advantage nya yung pag uwi nya at pagbubuntis ko para makipag kita sa ibang babae sobrang labo na nagtry ako kausapin yung babae pero sya pa yung mas matapang saken knowing na kabit sya. Tapos sa ibang tao tinatanggi na kami ng anak ko ng boyfriend ko. Now hindi ko alam kung kami pa pero nag usap kami last week pinapapili nya ko kung magtatapos muna ako ng pag-aaral o pupunta na kami ng japan pagkaanak ko naguguluhan ako sobra na kasi talaga nakikita ko yung mga 'my day' nung babae sa dummy account ko sa Fb na magka vidcall sila sobra na kong stress diko na kayang makitang ganon? lalo pag naiisip kong uuwi sya tapos makikipag dun sa babae tapos pupuntahan nya din ako nakakadurog?? pero iniisip ko parin yung anak ko gusto ko kumpleto parin kami? naguguluhan na ko bakit sya ganun kung kelan magkaka baby na kami ngayon pa sya nagkaganon???anong dapat kong gawin? ang sakit sakit na

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung mahal ka nya talaga hindi yan lalandi sa iba, worst itinatanggi na kayo ng baby mo. walang masyadong laban kasi hindi kayo kasal. mahirap din naman ipilit kung ayaw na sayo. madaling sabihin pero sa tingin ko mas ok kung ilet go mo na sya kasi binitawan kna rin nya :( kaya mo yan ma, may karma din yan. kahit sustento nalang sa bata ibigay saho kesa naman naka hold on kpa rin sa kanya pero alam mo naman na di na talaga gaya ng dati kc iba na gusto nya

Magbasa pa

Sis wag nlng po kayong umasa sa knya pasustento ka nlng. Almost same situation po tayo. Basta sis pray to God at hold on sa family mo for support. Be strong. Kaya natin toh. Masakit mn lumaki anak natin n walang tatay pero lets guard our emotional and psychological well being. Nakakastress din po yang ganyan kaya wag nlng.

Magbasa pa
5y ago

Ah okei...nasa yo pa din ang desisyon sis...sa akin kc hnd na ngoaramdam 1bwan na nag update sa fb singke status na xa kya hinayaan ko nlng bka pagud na xa lalo na sa mga nagawa nia na dahilan kya nging magulo xa,,pro atleast hnd ko xa sinukuan nung panahon na nalulugmok xa bagkus andto lng ako na handang tulungan xa nuon khit aalis dadating ang set up nmin,,sana wag nlng niang gawin sa iba ung mga ngawa nia sana mgbago xa.... Ang pagkakaalam ko kc pag wla ung tatay pag nanganak ka at pag hnd tlga kayo ngkausap na malabo ng maapelyido sknya kc hnd daw dapat daw may pirma ang tatay sa birthcert.ng baby

VIP Member

Wag mo na pag aksayahan ng oras ang ganyang klaseng lalaki. Buo nga kayo pero ganyan bang klase ng ama ang gusto mo kalakihan ng baby mo? Yung nakikita nyang niloloko ung mama nya habang lumalaki sya? Do yourself and your baby a favor at lumayo na sa iresponsableng lalaki na yan habang may pagkakataon pa

Magbasa pa

Di naman kabit na maituturing ung babae kasi di naman kayo kasal pa nung guy so if I were you didistansya na lang ako. Ngayon pa lang ginagago ka na ano pa sa mga susunod na panahon. Save yourself from emotional stress and heartaches. Buhayin mo mag isa ung anak mo.

Kung ako papipiliin mas gusto ko mag aral muna kesa sumama sa knya sa ibang bansa, kc pag nandun kana sa japan malaya na siyang makapagloko sa pinas every time pupunta siya. At isipin mo wala kng pamilya dun at wala kang matatakbuhan .

VIP Member

pakatatag ka lang sis. si baby muna isipin mo.